NAKANGITI at pa-hum-hum pa si Denim habang naglalakad papunta sa kanyang condo. Hawak niya sa kamay ang chocolate bar na binigay ni Eton sa kanya kanina.
Hanggang ngayon, kinikilig pa rin siya kapag naaalala niyang tinulungan siya ni Eton na makatakas sa mga fans niya. Hinatid pa nga siya nito hanggang sa kotse niya. Wala itong sinabi, pero binigyan siya nito ng chocolate bar. Maybe it was his way of apologizing to her.
Ayaw naman niyang sagarin ang suwerte niya ng gabing 'yon kaya umalis na rin siya agad. Marami pa namang 'bukas' ang darating para makita at makasama niya uli si Eton.
I'll make you mine, Eton.
Huminto siya sa tapat ng pinto ng condo niya. Hahanapin pa lang sana niya sa kanyang clutch bag ang keycard niya nang bigla nang bumukas ang pintuan. Napabuga na lang siya ng hangin sa inis.
Finn is invading my place again!
Pumasok si Denim sa loob ng unit niya at padabog na sinara ang pinto. Balak sana niyang sermunan si Finn pero napasimangot agad siya at naitakip ang kamay sa kanyang ilong na biglang inatake ng malansa at masangsang na amoy.
What's that smell?
Wala siyang makita dahil sobrang dilim sa condo niya kaya binuksan niya ang mga ilaw. Napatili siya at napaupo sa sahig sa sumalubong sa kanya.
Dugo.
Maraming dugo.
Bukod do'n, sobrang gulo rin ng mga gamit sa condo niya. Basag pa ang sliding glass door ng balcony niya. Mukhang may labanang naganap sa lugar niya nang hindi niya alam. Nanginig siya sa takot.
Biglang namatay ang mga ilaw.
"I'm sorry I didn't have the time to clean your place."
"Finn?" relieved na sabi ni Denim nang marinig ang boses nito. Kahit nanginginig pa ang katawan niya, pilit siyang tumayo. "Are you okay? Nasaktan ka ba? Please tell me na hindi sa'yo ang dugong nakita ko!"
"Ohh. Someone is worried," playful na sabi ni Finn.
Napasinghap si Denim sa gulat nang maramdaman ang maiinit na kamay ni Finn sa baywang niya bago nito pinalupot ang mga braso sa katawan niya para kabigin siya palapit. Dahil madilim, kinapa na lang niya ang mukha ng lalaki gamit ang mga kamay niya. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang makinis pa rin ang magkabilang pisngi nito. Pero nag-aalala pa rin talaga siya. "You're not hurt, are you?"
"I'm not hurt," malambing na pag-a-assure ni Finn sa kanya. Pagkatapos, sinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. Pinaraan nito ang tungki ng ilong sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. "But I'm really hungry right now, Denim."
Tumango si Denim sa pang-unawa at sinuklay ang mga daliri niya sa buhok ni Finn. "Drink my blood and don't die on me, okay?"
Finn licked her neck before speaking. "I won't, Denim. We'll be together for a long time."