11th Confrontation

1541 Words
GINAWANG salamin ni Denim ang pinto ng elevator kung saan nakikita niya ang reflection niya. Naglalagay siya ng lipstick na matingkad ang pagiging pula. Kahit na pauwi na siya at pagod mula sa maghapong story conference, kailangan fresh-looking pa rin siya. Big news sa showbiz ang pagbalik niya ng Pilipinas dahil siya ang top actress ng kanilang network. Ngayong tapos na siya sa bakasyon niya, balik trabaho na rin siya. Sisimulan na rin niya ang shooting para sa bago niyang drama ngayong tapos na ang story conference. Pinagdikit niya ang mga labi niya at nang makuntento na sa hitsura niya, binalik niya na niya ang lipstick sa bag niya. Masaya rin siya habang tinititigan ang reflection niya. Narcissist na kung narcissist pero confident si Denim na maganda siya. May Spanish blood ang mga ninuno niya kaya mestiza siya. Natural din ang pagiging burgundy ng kanyang buhok na wavy ang dulo. Bilugan ang "sparkling" ang amber eyes niya, matangos ang ilong, maliit at manipis ang mga labi, at natural ang rosy cheeks. Matangkad at slim din siya kaya maganda siyang magdala ng damit. But what she loved most about her body were her creamy long legs that she liked showing off by wearing skimpy dresses like what she wore tonight. Denim Blue Benitez, you are one gorgeous mortal, aren't you? Natawa si Denim sa sariling kayabangan. Pero mabilis din siyang naging seryoso nang bumukas ang elevator nang makarating siya sa underground. Private parking space para sa mga VIP na tulad niya. Susunduin siya ni Finn dahil inaya siya nito na mag-dinner sa favorite restaurant nila. Pag-apak na pag-apak pa lang niya sa labas, bigla siyang may narinig na malakas na kalabog kasabay ng malakas na pag-angil na nakapagpatayo sa maninipis na balahibo niya. Ang boses na 'yon... Finn?! Mabilis na tumakbo si Denim sa kabila ng suot niyang stilettos habang tumitingin sa paligid at hinahanap si Finn. 'Yong ungol na narinig niya kanina, halatang nasasaktan ito. Madalas man niyang awayin ang lalaki dahil sa mood swings niya, hindi niya maipagkakailang ito ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya ngayon. He was her best friend and the older brother she never had. Another loud bang. Sa pagkagulat ni Denim, nakita niya si Finn na nakadikit na sa pader. Kung paano at kung saan ito nanggaling, hindi niya alam dahil ordinaryong mortal lang naman siya. Pero hindi na 'yon ang mahalaga ngayon. Tatakbo sana siya palapit kay Finn pero napasinghap at natigilan siya nang may isang nilalang ang biglang bumagsak mula sa itaas. The man facing Finn was tall and more muscular than her best friend. Kita sa suot nitong gray long-sleeved shirt ang malapad nitong likod at ang medyo umbok na biceps. Ang kagandahan sa bulto ng lalaki, bagay 'yon sa tangkad nito. The other guy was even taller than Finn who already stood six feet tall. At ang malaking lalaki, bigla na lang sinakal si Finn! Who is that giant?! Pero hindi 'yon ang oras para tumunganga at mag-isip. Hindi siya papayag na basta na lang sakalin ng kung ano si Finn sa mismong harap pa niya! "Finn!" sigaw ni Denim, saka niya muling tinangkang lapitan ang best friend niya. "Stop!" saway ni Finn sa kanya na nakapagpahinto sa paglalakad niya. Normal pa naman ang hitsura nito at hindi pa inilalabas ang kapangyarihan bilang kalahating-bampira, pero nakikita niya sa singkit nitong mga mata ang babala. Ibig sabihin, seryoso ang sitwasyon. "Stay right there, baby girl." As if. Ipinaikot lang ni Denim ang mga mata, saka siya tumakbo palapit sa dalawa. "Hey, let go of Finn!" utos niya sa lalaking kaaway ni Finn, sabay suntok sa braso nito. Napasinghap siya nang tumunog ang mga buto sa kamao niya kasabay ng matinding sakit. Para siyang sumuntok ng bakal! She might have sprained her wrist! She bit herself to stop herself from crying, but the pain was too much to bear. "Damn..." "Denim!" bulalas ni Finn na tinangkang lapitan siya pero mas lalo yatang hinigpitan ng lalaking kaaway nito ang pagkakasakal dito. Umangil ang best friend niya at hinawakan ang brasong nakakabit sa kamay sa leeg nito na parang tinatanggal 'yon, pero hindi natinag ang kaaway nitong higante. Then, the huge stranger who seemed to be made of steel turned to her. Denim was instantly stunned when she saw the face of her best friend's "attacker." Ang mukhang 'yon ang pinakaguwapong mukha na nakita niya sa buhay niya. Halatang Caucasian ito at talaga namang lalaking-lalaki ang histura at tindig nito. Bigla yata niyang nakalimutan ang sakit ng kamay niya at maging ang mga luha niya, biglang umurong. Sobrang guwapo ng lalaking 'to! "Denim, run..." utos ni Finn sa boses na halatang nasasaktan. That snapped Denim out of her trance. Nasa panganib pa rin si Finn kaya hindi puwedeng matulala lang siya sa kaguwapuhan ng kung sino. Ang ideyang 'yon ang humukay ng galit niya para bigyan niya ng masamang tingin ang guwapong estranghero. "I said let go of my best friend." Tiningnan ng guwapong estranghero ang mukha niya, pababa sa nasaktan niyang kamay, at saka ito muling nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Bigla namang na-conscious si Denim. Was this beautiful and powerful stranger checking her out? If yes, then she made the right choice of always making sure that she looked nice. From her perfectly combed hair, classy little black dress, down to her newly manicured toes, she knew she looked divine. Nakagat naman niya ang ibabang labi niya sa sobrang inis sa sarili. Alam niyang seryoso ang sitwasyon at posibleng masaktan si Finn, pero hindi niya maalis ang tingin at atensiyon niya sa guwapo at malakas na estranghero. May kung anong malakas na puwersang humihila sa kanya papunta rito. At wala siyang balak labanan ang atraksyon na nararamdaman niya. The handsome giant turned his gaze away from her to face Finn who had a murderous look on his face now. "Magpasalamat ka sa kaibigan mo," sabi ng estranghero. Napasinghap ng mahina si Denim. Ang malalim, baritono, at mala-bedroom voice ng guwapong higante, sobrang sexy pakinggan! Bagay na bagay dito ang gano'ng boses. Everything about this gorgeous creature seemed to scream power, aloofness, and sexiness. "That little girl saved your life," pagpapatuloy ng guwapong estranghero, saka binitawan ang leeg ni Finn. "For now." Magrereklamo sana si Denim at sasabihin niyang hindi na siya "little girl" pero sa isang kurap lang niya, nawala na sa paningin niya ang misteryosong estranghero. Napapadyak tuloy siya sa inis. I'm no longer a little girl. I'm already twenty three years old, okay? "Denim, are you okay?" Nabigla na lang si Denim nang sa isang iglap, nasa harap na niya si Finn. Nakatingin ito pababa sa kanya at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito. Mahigpit din ang paghahawak nito sa magkabilang-balikat niya. "Finn, I'm okay. Hindi naman ako sinaktan no'ng kaaway mo," pag-a-assure niya sa best friend niya, saka niya hinaplos ang pisngi nito. A half human-half vampire like him was warmer than normal human beings. "Are you okay? Hindi ka ba sinaktan ng lalaking 'yon? Saka bakit ba kayo nag-away?" Mariing umiling si Finn. "Hindi ako nasaktan. Nagkaaway lang kami dahil sa parking space." Natigilan si Denim. Ang "nagkaaway lang kami dahil sa parking space" ang code ni Finn para sa "bahagi 'yon ng misyon ko na hindi ko puwedeng sabihin sa'yo." Ang ibig sabihin no'n, hindi siya puwedeng makialam dahil seryoso ang sitwasyon. Marami pa siyang tanong pero alam niyang hindi siya sasagutin ng best friend niya kaya tumango na lang siya. "Okay. I'm relieved that you're not hurt." Bumuntong-hininga si Finn at hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa pisngi nito. "The next time I tell you to run, run. Hindi ko kakayanin kapag nasaktan ka dahil sa trabaho ko. Kaya kung ayaw mong mabaliw ako o mawala sa sarili, huwag nang matigas ang ulo mo. Am I making myself clear?" Lumabi si Denim dahil ayaw niyang tinatrato siyang bata. Pero nang makita niya ang matinding pag-aalala sa mga mata ni Finn, hindi na siya sumagot. Iniba na lang niya ang usapan. "I'm famished, Finn." "I'll ask my people to pick you up and drive you to the restaurant I reserved for you and Uncle Miguel," sagot ni Finn, saka siya binitawan. He gave her an apologetic look. "Yes, baby girl. I arranged a dinner date for the two of you. Makipag-ayos ka na sa kanya, okay? Hindi kita masasamahan dahil may biglaang trabaho akong kailangang asikasuhin ngayon, pero umaasa ako na hindi ka na magmamatigas." Bumuntong-hininga si Denim. Kapag ganito kaseryoso si Finn, hindi niya magawang suwayin ang gusto nito. Saka ayaw na rin naman niyang patagalin ang tampuhan nila ng Uncle Miguel niya. "Okay. Pero Finn, may gusto lang muna akong malaman. Sana maging honest ka sa sagot mo." Tumango si Finn. "Sure. What is it?" "Sino 'yong nakaaway mo? How bad is your clash with him? You're not going to kill each other, are you?" curious na sunud-sunod na tanong ni Denim. Kumunot ang noo ni Finn. "What do you care about that guy?" Natigilan si Denim dahil sa hostility na nahimigan niya sa boses ni Finn. Her best friend might have a really bad conflict with the beautiful stranger. "Why are you so upset?" Umangil si Finn sa kanya na bihira lang nitong gawin. "Sagutin mo ang tanong ko, Denim." "Fine!" naiinis na sagot ni Denim. Pero sa totoo lang, natatakot siya kapag galit si Finn. Alam niyang hindi siya nito kayang saktan sa kahit anong paraan, pero alam niya rin kung ano ang hitsura nito kapag nilalabas ang pagiging kalahating-bampira. "He's totally my type. Okay na?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD