MAG-ISA na lang si Lilac sa tabi ng mga puntod ni Marigold at ni Sterling, ang kanyang pamangkin. Naalala niyang 'Sterling' ang gustong ipangalan ng kanyang kakambal sa baby boy nito. Kaya pinasulat niya ang pangalang iyon sa lapida ng sanggol.
Kanina pa umalis ang mga nakiramay sa libing. Papalubog na rin ang araw. In fact, the cemetery's caretaker had reminded her that she had to leave soon.
Tatlong araw na ang lumipas simula nang makita niya si Marigold at ang pamangkin niya na wala nang buhay. Kahit nga ngayong ilang oras na niyang tinititigan ang mga lapida ng mag-ina, hirap pa rin siyang tuluyang tanggapin na wala na nga talaga ang kanyang pinakamamahal na kakambal.
Ikaw 'yong mas malakas sa'tin, Marigold. Pero bakit ikaw ang nand'yan ngayon? Ako na lang sana...
Marigold was not just a twin sister to her. She was also her best friend, her shock absorber, her family... the only reason why she wanted to live despite the hardship they had faced before. Losing her was not just losing a beloved sister, but also having her world crumble into pieces once again.
Mas madali sanang tanggapin kung totoo na lang na namatay si Marigold sa panganganak at patay din ang sanggol na isinilang nito. Pero hindi, eh. Pinatay ang kakambal at pamangkin niya.
Inagaw sa kanya ang buhay niya ng kung sinong nilalang.
"I will find that vampire, Marigold," bulong ni Lilac sa galit at mapait na boses. "Sigurado akong ang fiancé mo ang may gawa nito sa inyo ng anak mo."
"Pa'no mo nasabi 'yan?"
Hindi na nagulat si Lilac nang marinig ang boses ni Tyrus mula sa kanyang likuran.
Simula pa lang sa pag-aasikaso niya sa burol ni Marigold, ramdam na niya ang presensiya ni Tyrus at ang ibang mga Bloodkeeper malapit sa kanya. Hindi na lang niya pinansin dahil alam naman niyang walang masamang balak sa kanya ang mga ito. Iba ang grupo sa mga bampirang may barcode sa leeg.
"Salamat sa pagbibigay ng oras sa'kin," sabi ni Lilac. "Puwede bang dito na tayo mag-usap? Ayoko pang iwan si Marigold at Sterling dito."
Simula no'ng huling usapan nila ni Tyrus, hinanda na niya ang sarili niya sa mga bagay na sasabihin at i-de-demand niya mula sa Bloodkeeper. Wala na siyang pakialam kung delikado ang gagawin niya. The only reason she was still breathing after Marigold died was to avenge her sister's cruel death.
Tahimik at mabilis na umupo si Tyrus sa tabi niya, pero nag-iwan ito ng disenteng distansiya sa pagitan nila. Ginaya nito ang pag-indian seat niya sa harap ng mga lapida. "Alam kong gusto mo pang mapag-isa kaya dederetsahin na kita para mabilis matapos ang usapang 'to. Is that okay with you?"
Tumango si Lilac. "I prefer it that way."
"Peke ang mga impormasyon sa birth certificate niyo ni Marigold Hamilton," deretsa ngang sabi ni Tyrus. "Tell me honestly, what's the real connection between the two of you?"
Napangiti si Lilac. In fairness, she was amused by Tyrus's straightforwardness. "Marigold and I are twin sisters." Nang hindi nagsalita si Tyrus, nilingon niya ang Bloodkeeper. Nawala ang ngiti niya nang napansin niyang sobrang deretso ng pagkakaupo nito at parang mas lalong naging stiff. Malakas ang kutob niya na may nasabi siyang hindi nito nagustuhan. "Bad news ang pagiging kambal namin ni Marigold, tama ba?"
Dahan-dahang tumango si Tyrus, deretso pa rin ang tingin. He looked like he was freaking out inside and he was trying hard not to show it. "Marigold was born during a special moon phenomenon. Kung sabay kayong ipinanganak, nangangahulugan lang 'yon na pareho kayo ng taglay na espesyal na abilidad."
"Abilidad na mahalaga sa mga bampira, 'di ba?" tanong ni Lilac.
Nilingon siya ni Tyrus. Blangko pa rin ang mukha nito, pero may nakikita siyang kislap ng kuryosidad sa mga mata nito. "Mukhang marami kang alam tungkol sa mga bampira."
Humugot ng malalim na hininga si Lilac. Mukhang kailangan na niyang magsimula sa pinaka-umpisa para mas magkaintindihan sila ni Tyrus. "Marigold and I were eight when our parents died because of a car accident. Pero ang aksidenteng 'yon, sigurado akong kasalanan ng mga nilalang na humahabol sa'min. No'ng bata kami, hindi ko pa alam kung bakit. Hanggang sa maulit ang pag-atake sa'min ng kakambal ko.
"Pagkatapos mamatay ng mga magulang namin ni Marigold, sa bahay-ampunan kami napunta. Two years later, the orphanage was attacked by vampires. 'Yong mga bampirang 'yon, katulad no'ng umatake sa'kin sa rooftop. May mga barcode sila sa leeg at parang uhaw na uhaw sila."
"Bloodsuckers," sabi naman ni Tyrus.
Tumango si Lilac. "I almost died that night. May bampirang sumakmal sa leeg ko habang nasusunog naman ang malaking parte ng bahay-ampunan. Pero no'ng time na 'yon, handa na kong mamatay dahil napatakas ko na si Marigold no'n. 'Yon lang naman ang mahalaga sa'kin. But my sister came back. Fortunately, she found our saviors."
"Saviors?"
"Two powerful witches."
Tyrus took a sharp breath. Halatang nagulat ito. Pero nang nagsalita ang Bloodkeeper, kalmado at pantay na uli ang boses. "That's why you know how to use incantations."
Tumango uli si Lilac. "You know what the funny thing is? Pinalaki kami ni Marigold ng dalawang salamangkera sa loob ng walong taon. Tinuruan nila kaming lumaban at gumamit ng incantations laban sa mga bampira. Pero no'ng nasiguro nilang kaya na namin ni Marigold na tumayo sa sarili naming mga paa, nagpaalam na sila. Pagkatapos, naging malabo na ang mga alaala namin ng kakambal ko tungkol sa kanila. Ang malinaw lang sa'min, ang mga tinuro ng mga witch at ang mga iniwan nilang babala. Pero ang mga pangalan at anyo nila, hindi namin matandaan."
"Posibleng ginawa 'yon ng mga salamangkera para protektahan ang kanilang pagkakakilanlan mula sa kahit anong nilalang na puwede kayong gamitin para mahanap sila."
Kumunot ang noo ni Lilac at muli niyang nilingon si Tyrus. "Parang kilala mo kung sino ang mga witch na kinukuwento ko."
"Si Rynona at ang batang may pulang buhok," sagot ni Tyrus. "Sila lang naman ang dalawang salamangkera na tinutugis ng masasamang bampira ngayon, kaya sila lang din ang naiisip kong magbubura ng mga bakas nila mula sa mga mortal na tinulungan nila."
"Ah, famous pala sila," tumatango-tangong sabi naman ni Lilac, namangha sa nalaman niya. "I hope they are safe wherever they are. Malaki ang utang na loob namin ni Marigold sa kanila kaya ayokong mapahamak sila. And I want to meet them again someday."
"'Yan din ang hinihiling namin na mangyari. Malaking problema kapag nakuha sila ng mga kalaban," sabi ni Tyrus na hindi niya gaanong naintindihan. Bago pa siya makapagtanong, may bago na namang katanungan ang Bloodkeeper para sa kanya. "Paano mo nakita ang Bloodkeeper na may abilidad na itago ang presensiya niya kahit pa mula sa tulad kong Keeper na may malakas na kapangyarihan?"
"I'm color blind, Tyrus."
"Excuse me?" halatang nagulat na bulalas ni Tyrus.
Tinanggal ni Lilac ang suot niyang lenses bago siya humarap kay Tyrus. After regaining her sight, her eyes had turned the lightest shade of gray. Mukha siyang halimaw kaya tinatago niya ang mga mata. "I used to be blind. No'ng gabing inatake ng mga bampira ang bahay-ampunan, may isang Bloodsucker na naghagis ng kahoy sa'kin nang sinubukan kong tumakas. Tinamaan ang mga mata ko. Nang magising ako pagkatapos kaming iligtas ng mga salamangkera, bulag na ko. Ayon sa mga "mortal" na doktor na tumingin sa mga mata ko no'n, wala na raw akong pag-asang makakita kahit ano pang operasyon ang gawin."
Hinawi ni Tyrus ang isang kamay nito sa harap niya. Nabigla siya kaya sinundan niya 'yon ng tingin. Kumunot ang noo ng Bloodkeeper. "Nakakakita ka na uli. Paano?"
Hindi inaasahan ni Lilac, pero napangiti na naman siya dahil sa reaksyon ni Tyrus. Nabawasan ang pagiging matigas ng mukha nito dahil sa kuryosidad na naglalaro sa mga mata nito. "Gumamit ng sorcery ang mga salamangkerang kumupkop sa'min para maibalik ang paningin ko. Pero siyempre, may naging kapalit 'yon."
"Anong naging kapalit?" puno ng kuryosidad na tanong ni Tyrus.
Naging malungkot ang ngiti ni Lilac. "I lost the ability to see colors. Ang mga mata ko, parang may black and white filter. I can only assume the color around me based on the shade I see. Light shade obviously equals light colors. Dark shades, dark colors."
Nanatiling titig na titig si Tyrus sa mukha niya na parang batang interesado talagang makinig sa teacher.
"Pero nakikita ko ang kulay ng mga dugo ng mga nilalang na kaharap ko," pagpapatuloy ni Lilac. "Ang mga ordinaryong tao, mainit na asul ang kulay ng dugo nila sa paningin ko. Sa mga tulad mong bampira, matingkad na pula. Lila naman para sa mga witch. Kulay kahoy naman para sa mga may dugong werewolf. Nakakita na ko ng gano'ng lahi habang kasama namin ang mga salamangkera noon."
"Nakikita mo ang kulay ng dugo ng iba't ibang nilalang, kaya nakita mo ang nagtatagong Bloodkeeper ng araw na 'yon," naaaliw na kongklusyon ni Tyrus. "Hangga't may dugo ang isang nilalang, nakikita mo 'yon kahit maitago pa nito ang presensiya at pisikal nitong anyo."
Tumango si Lilac. "Mukhang gano'n na nga."
"You have beautiful eyes, Lilac."
Nabigla si Lilac. Alam naman niyang ang abilidad niyang makakita ng kulay ng dugo ang tinutukoy ni Tyrus, kaya ewan ba niya kung bakit nag-init ang mga pisngi nito.
Itong si Tyrus naman kasi, titig na titig sa mga mata niya na parang gandang-ganda nga sa nakikita.
Nang umihip ang hangin, nag-iwas ng tingin si Lilac para ipitin ang buhok niya sa likod ng kanyang mga tainga. No'n din niya napansing namatay ang sindi sa apat na kandila sa tapat ng puntod nina Marigold at Sterling. Tig-dalawa ang mag-ina.
"Hala," bulalas ni Lilac. Kinuha niya ang kahon ng posporo at inalog 'yon. Wala nang laman. Nilingon niya si Tyrus na sa kabutihang palad, sa mga kandila na nakatingin. "May lighter ka, Tyrus?"
"I have something better than that," sagot ni Tyrus sa pantay na boses, saka ito lumingon sa kanya at tinaas ang kanang kamay. "Watch closely."
Dinilat naman ni Lilac ang mga mata habang nakatingin sa kamay ng Bloodkeeper. "Okay."
Inangat ni Tyrus ang isang daliri na hindi niya alam kung kailan nasugatan dahil may hiwa na 'yon nang mapansin niya. Pero himbis na dugo, maliit na apoy ang lumabas mula sa nakabukas na sugat.
Napasinghap si Lilac sa gulat at napapalakpak pa. Para siyang nakakita ng magic show. "Matingkad ang kulay ng apoy mo, Tyrus. What's the shade of your flame, Tyrus?"
"The color you are named after," sagot ni Tyrus na bahagyang nakataas ang sulok ng mga labi habang isa-isang sinisindihan ang mga kandila gamit ang maliit na apoy sa daliri nito. "And the color of your lips the first day we met."
Napahawak naman si Lilac sa mga labi niya. Purple ang kulay ng lipstick niya ng araw na 'yon dahil 'yon din naman ang kakulay ng pangalan niya. But it surprised her to know that Tyrus remembered the color of her lipstick that day. Tinitigan ba niya ang lips ko no'ng time na 'yon?
"Done," sabi ni Tyrus nang may apoy na uli ang mga kandila sa harap nila.
Pagkatapos, hinipan nito ang apoy sa daliri nito at no'n na 'yon naging dugo. Na mabilis ding nawala dahil sumara agad ang hiwa.
"Totoo pala 'yong sa vampire books and movies na mabilis gumaling ang mga sugat niyo," namamanghang sabi ni Lilac.
"It depends on the severity of the injury. Small cuts heal fast, of course."
Nanatiling nakatitig si Lilac sa daliri ni Tyrus. Napansin niyang mahaba 'yon, parang hugis kandila pa nga. Parang mga daliri ng pianist. "You have beautiful fingers, Tyrus."
Tyrus just looked at her with a blank look on his handsome face.
Awkward.
Tumikhim naman si Lilac at marahang tinampal-tampal ang mga pisngi para gisingin ang sarili. Ngayong nasabi na niya kay Tyrus ang sekreto niya, oras na para humingi ng kapalit. "Tyrus, alam kong hinahanap niyo rin ang nilalang na pumatay sa kakambal at pamangkin ko. Hinahanap ko rin siya. Kaya bakit hindi tayo magtulungan para hanapin ang halimaw na 'yon? Matutulungan ko kayong hanapin ang mga kalaban niyo na nagagawa kayong pagtaguan."
Mabilis at mariing umiling si Tyrus. "Mortals have no business with us, Lilac. Plus, it's too dangerous."
"Ang sabi mo, may abilidad din ako gaya ng kay Marigold dahil sabay kaming ipinanganak," pagpapaalala ni Lilac kay Tyrus. "Eh di nasa panganib na rin ang buhay ko, 'di ba? Kasi nasa'kin din 'yong kailangan ng masasamang bampira sa kakambal ko."
"We will protect you, Lilac," mariing sabi naman ni Tyrus. "Pero kung sasama ka sa imbestigasyon, mas lalong malalagay sa panganib ang buhay mo."
"Then protect me, Tyrus," pagmamakaawa ni Lilac sa desperadong boses nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Tyrus na halatang nabigla sa sinabi niya. "Keep me close to you and keep me safe."