Hindi ako makapaniwala nang makita ang tumawag kay Sadie habang nasa loob na kami ng gallery. We were about to meet up with the curator na nakausap nito, pero hindi ko akalain na makikita ko siya. I was so shocked kaya nabitawan ko ang hawak kong painting canvas with a frame kaya nang bumagsak ito sa sahig, umugong ang malakas na echo sa buong lugar. Napaigtad ako at bigla akong nanghina. Agad na lumapit sa akin si Sadie at tinanong kung okay lang ako. Hindi ko siya sinagot at tumingin ako sa lalake na palapit din sa amin pero blangko ang kanyang mukha na nakatingin siya sa akin. “Ko-Korbin…” sambit ko. Napakunot ang kanyang noo nang tawagin ko ang kanyang pangalan. “Korbin ako ‘toh… si-” Napalunok ako dahil muntik ko ng masabi na ako si Lillian. “Uhm, si Amelia, do you still remember?”

