Isang malakas na boses ni Sadie ang naging tugon niya nang sabihin ko ang mga nangyari sa amin ngayong araw. Si Lyosha naman ay nasa office ng beach house kung saan kausap naman niya ang kanyang kapatid. Tumawag siya sa akin at kinumusta ang first day namin dito sa beach house. She's my only friend and the one I can confide to, kaya sinabi ko lahat sa kanyang ang nangyari. And base on her reaction, she was shocked. Inilayo ko pa nga ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng kanyang sigaw. "What the f*cking hell?! Nandyan talaga siya!?" May galit ang boses niyang sabi. "Yeah, nagulat nga ako. Teka, bakit hindi mo sinabi sa akin na may beach house rin pala siya? Halos mag-kapitbahay lang kami." Narinig ko ang kanyang pag-buntong hininga. "I'm sorry, nawala sa isip ko. Pero I was not expe

