Magtatanghalian na yata nang magising ako kinabukasan. Tirik na tirik na kasi ang araw dahil ang liwanang na ng buong kwarto. Wala sa aking tabi si Aleksey at wala din sa crib si baby kaya malamang na kay Rhea siya o kasama niya pa rin ang kanyang lola. Bakit hindi man lang ako ginising ng aking asawa? Nasaan ba siya? Bumangon ako at natigilan nang makita ang napakadaming sunflower na nakapaligid sa buong kwarto. Napakurap ako at baka imagination ko lang ang nakikita ko, pero nando'n pa rin sila. Tinakpan ko ng kumot ang hubad kong katawan at nilapitan ang mga bulaklak. Hinawakan ko ito at matamis akong napangiti. Nakakatuwa naman, pinaligaya niya na nga ako buong gabi hanggang magdamag tapos ngayon sobra naman niya akong pinapakilig. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok s

