Makalipas ang 2 weeks, natuloy na ang leave ni Lyosha. May inasikaso muna siya sa kanyang office at mga binilin sa kanyang mga tauhan. Sakay na kami ngayon ng SUV at papunta kami sa beach house. Super excited ako dahil gustong-gusto ko na talagang pumunta sa dagat. Tsaka magkakaroon din ako ng inspiration sa aking pagpipinta pag nandoon na kami. Ang dami nga naming dala, susulitin namin talaga ang 2 weeks na leave ng aking asawa. Nasa backseat ako kasama si baby na nakalagay sa kanyang car seat. He is sleeping peacefully at nakasuot siya ng terno na tropical shirt at shorts. Sobrang cute nya talaga at gusto ko siyang bihisan ng kanyang mga cute na damit. Ang gwapo ko namang asawa ay kasalukuyang nagda-drive, wearing a white, long sleeve polo at chino pants. Ako naman ay naka-shorts rin at

