Saka ko lang nalaman ang identity nila ng bumalik ako mula Australia at sinabi ni daddy na ito na ang tamang panahon sa paniningil niya at gusto nitong parusahan at maghirap ang buong pamilya ng asawa ko. Gusto niyang singilin ang mga magulang ni Camilla dahil sa tragic incident sa buhay ni daddy na hanggang ngayon ay hindi nito makalimutan. Lumaki akong aware ng tungkol dito. Never na inilihim ni daddy ang matinding galit niya sa taong pumatay sa dapat sana ay panganay na anak niya at sumira sa kanyang buhay. He give me their whole family details and on that day, doon ko nalaman na pamilya ni Camilla pala ang labis na kinasusuklaman ni daddy. Immediately, hiningi kong ibalato niya sa akin si Camilla. Sinabi ko sa kan'ya ang totoo at kung gaano ko kamahal ang babaeng mahal ko. Walang

