"Fvck!" daing ko matapos maramdaman ang pagbaon ng mga daliri nito sa balikat ko. Pakiramdam ko nanghihina ako at nagdilim ang paningin ko. Mabilis lang kung tutuusin ang procedure maging ang byahe pabalik sa bahay ko sa Tagaytay pero dahil sa nangyari ngayon ay pakiramdam ko ay daig ko pa ang nag-travel ng ilang oras. "Sir, you need to get some rest. Please sleep and don't think anything first," sabi nito at may itinurok sa braso ko. Nanlalabo ang paningin na binuka ko ang labi ko at bago ako nakatulog ay malinaw na nakita ko ang mukha ng babaeng nagpa-ngiti sa akin kanina ng pandilatan ako ng mga mata at sabihing hindi niya ako gusto unlike sa mga babaeng kusang nag-huhubad sa harap ko basta makita ako lalo na alam ng mga ito kung sino ako pagdating sa business world na ginagalawan

