"Nasaan ang lalaking 'yon? Buhay pa ba siya?" inis na tanong ko ng maalala kung ano ang naranasan ko ng dahil sa kan'ya. "Yes, buhay siya pero hindi pa nagigising katatapos lang ng second operation niya dahil nagkaroon ng komplikasyon ang mga sugat niya," paliwanag nito. Bigla naman akong naawa sa kan'ya. Kung sabagay, wala naman siyang ginawang masama sa akin kung 'di ang basta pumasok sa sasakyan ko at utusan na magmaneho. Maliban sa tinutukan ako nito ng baril para matakot sa kan'ya at gawin ang gusto niya ay wala na siyang ibang ginawa pa. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng babae sa akin. "Ayos naman, nahihilo ako at masakit ang katawan ko kaya lang, hindi ko maramdaman ang isa sa mga binti ko," sagot ko na inayos ang posisyon ng ulo. "Ah, effect 'yan ng surgery mo. Masyado

