"Marunong ka palang mag-tagalog," amaze na sabi ko. "Yes, natuto ako," sagot agad nito. Panay pa kami englisan e, marunong naman pala siyang mag-tagalog pinahirapan pa niya ako kanina. Napa-buntong-hininga na lang ako na nakaupo ng tuwid dahil hindi ako sigurado kung ano ang susunod na mangyayari sa akin oras na paalisin niya ako dito sa bahay niya. May bahagi ng puso ko ang umaasa na hindi gagawin iyon ni Alex ngayong mahina ako hanggang sa tuluyan ng gumaling ang mga sugat sa katawan ko. "Ayaw mo bang tawagan ang pamilya mo at ipaalam sa kanila ang nangyari sa 'yo? For sure hinahanap ka nila," tanong ni Alex pero agad na umiling at tumanggi ako. "Why?" tanong pa ulit nito. "They are not interested, they don't even care kung ano ba ang nangyari sa akin at kung buhay pa ako," nag-iwa

