Ang swerte ni Declan dahil kasama niya ang asawa at nakikita niya kung paano lalaki ang tiyan ni Liegh ngayong buntis na rin ito tulad ng ni Camilla. Matagal kong pinangarap na dumating ang araw na mabubuntis ko si Camilla at magkaanak kami kaya lang ang damot naman ng pagkakataon dahil nangyari ang gusto ko pero wala naman sa tabi ko ang asawa ko. I didn't know na kasabay ng malakas na buhos ng malamig na tubig ay napaiyak na naman ako. Fvck, sabihin ng mahina ako but when it comes to my wife, nawawalan na ako ng pakialam sa mundo at sa sasabihin ng ibang tao. I fvcking love Camilla so much kaya ginawa ko ang lahat para makuha siya at ma-protektahan ko sa abot ng makakaya ko. I knew I was wrong with my methods pero bumawi naman ako sa kan'ya sa paraang alam ko. I know one day, she wi

