"Hindi naman sa gano'n, nag-aalala kasi ako na baka malaman niyang narito ako sa poder ni Declan at baka kung ano ang mangyari lalo na at baka magtaka rin si Alex kung bakit bigla akong nawala sa bahay niya at sumama sa kapatid mo," nahihiyang paliwanag ko. "Ah, don't mind them. Malalaki na sila. Besides, wala naman dito sa bansa ang mga itlog na 'yon. Ang alam ko, pinadala sila abroad ni Declan," kaswal na sabi ni Amara. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag knowing na wala sa bansa si Jared. Tama talaga na sumama pala ako kay Declan dahil kaya niyang protektahan ako kahit pa sa asawa ko. I didn't know that he was capable enough na gawin ang bagay na yun, lalo na sa kanilang apat, si Declan daw ang pinakabata at si Jared naman ang pinakamatanda sa lahat. "Aalis muna ako, mag-ingat

