Walang kahit anong salitang lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinagod niya ang balikat ko pababa sa likod na para bang gusto niyang mawala ang mga nararamdaman ko. "I'm sorry, alam kong dahil 'yan kagabi. I couldn't resist you last night, sweetheart, and I apologize if I hurt you in any way; it won't happen again. I'm not going to work today; instead, I'll take care of you until you feel better," mahinang sabi nito na hinaplos ang mahabang buhok ko. Kahit maganda ang ideya niya kaya agad na umiling ako. Hindi ako papayag na dito siya manatili maghapon sa unit ko dahil baka lumala pa ang lagay ko kapag hindi siya pumasok at nanatili dito tapos hindi na naman makapag-pigil sa tuwing nakikita ako. "Pumasok ka, hindi pwedeng dito ka pumirmi. Wala sa usapan natin 'yan," agad na sagot ko.

