Tumayo ako at na upo rin sa tabi niya. Nakaramdam ako ng takot pero hindi ako basta pwedeng magpadala na lang sa nararamdaman ko. Mayaman at kilalang businessman si Jared. Common ang ganitong pagtatangka sa buhay niya kaya naiintindihan ko siya. May mga kalaban siya sa negosyo na lahat ay gagawin nila para masira at mawala siya sa kung nasaan siya ngayon. Sanay na ako sa magulong mundo sa business world. Dito, wala kang dapat pagkatiwalaan dahil kahit kaibigan mo ay pwedeng manloko sa 'yo kaya nga sobrang amaze ako sa friendship nila ng mga kaibigan niya na parang kapatid ang turingan nilang lahat. "May tumawag sa 'yo kanina. Mukhang tauhan mo kasi sabi niya pinadadala na niya ang cctv footage sa naging route natin kanina," paliwanag ko na inabot kay Jared ang cellphone niya. Mabilis n

