"What happened to your hand?" kunot ang noo na tanong ni Jared habang hawak ang kaliwang kamay ko na napaso kanina. "I tried to iron some of your clothes, and I got burned," nakayuko at kagat ang pang-ibabang labi na sagot ko. "What? Why did you do that?" matigas na tanong ni Jared na itinaas pa ang kamay ko at sinipat kung may iba pa ba akong sugat na natamo. Mukhang galit siya, paano pa kaya kapag nalaman niyang tatlo sa mga damit niya ang nasira ko kanina? "I'm sorry," malungkot at emotional na sagot ko. "Sweetheart, you don't have to do anything here. We have plenty of maids at home. I'll send those things, or they can come here once or twice a week to do anything you need. Please don't do that again, and I don't want to see this wound on your hand," mahinahon na sabi ni Jared s

