"Really? Why didn't you ask my son instead of coming here?" tila curious na tanong nito. "He's in Cebu, and besides, I know you; you know everything," seryosong sagot ko. Humarap ito sa akin hawak ang kopita na may laman na alak. Gumalaw ang mga kilay nito at tumaas rin ang gilid ng labi sa ngumisi habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko gusto ang paraan kung paano niya ako tingnan. Lalong hindi ko gustong makipag-titigan sa kan'ya dahil iba ang epekto sa akin nito at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pintig ng puso ko. "You made the right decision to come here, Camilla, but this is the last time you'll just come in here to my office and use my son's name to get what you want!" galit na sabi ni Mr. Laxamana. "You don't even have the right to use my surname. I know my son gave you tha

