"Tuloy ka," nahihiya at nag-iinit ang pisngi na sabi ko dahil nakita kong nag-landas ang mga mata niya mula sa mukha ko pababa sa leeg at hanggang sa dibdib ko. "For you." Inaabot ko ang bouquet na dala niya at inilapit sa ilong ko. Hmm, ang bango talaga, ang sarap amuyin. Ang sarap pala sa pakiramdam ng nakatanggap ng bulaklak. Feeling ko kinikilig tuloy ako. "Thank you, ang ganda," natutuwang sabi ko na naglakad kasabay niya papuntang kusina. "Maganda ang asawa ko, kaya dapat maganda rin ang ibibigay ko," nakangiting sagot nito kaya inirapan ko. "Bolero!" Natawa pa siya pero na off guard ako sa sumunod na narinig ko "Nope, kaya nga baliw na baliw ako sa 'yo eh," malanding sabi nito na kakaiba ang ngiti sa labi. Napalabi ako sabay irap sa kan'ya. Pa simple ang mga banat niya e, ma

