Chapter 52-3

713 Words

Nagkibit-balikat lang ako na binuksan ng mas malaking space para makapasok siya tapos sumunod na sa kan'ya sa kusina. Hinubad lang nito ang coat niya kaya kinuha ko at ipinatong sa ibabaw ng sofa para hindi mangamoy ulam lalo na at alam ko kung gaano siya kaselan. Naabutan ko siyang tinitupi hanggang siko ang mangas ng polo shirt na suot. Napalunok tuloy ako ng kumilos siya at sinumulang ilabas ang mga kailangan niya na para bang alam nito kung ano ang gagawin. Ang hot pala niyang tingnan kapag nasa kusina tapos ganitong abala sa ginagawa. Ang sarap tingnan ng firm at malapad na likod tapos nag-flex pa ang muscle sa braso kapag may bigla siyang inaabot. "Anong lulutuin mo?" maya-maya ay tanong ko para ibaling sa iba ang atensyon ko. Pinagnanasaan ko na siya kay mabuti pang abalahin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD