"Hi is busy right now, Mr. Gonzalez. He was currently out of the country kaya ako ang pinapunta niya dito," paliwanag ni Attorney Alcantara. Nanlumo na ibinaba ni Carlo ang tawag at inabot ang papel na hawak. Halos mag-dilim ang mukha nito sa nakitang laman ng dokumento na nagsasabing si Jared Laxamana na ang bagong CEO at may ari ng kumpanya. Aware siya dito, nabasa niya ang kasunduang ito at pumirma siya sa pag-aakala na si Jared ang magsasalba sa kanyang palubog na kumpanya pero, hindi niya akalain na tatakas si Camilla at naiwan sa kan'ya ang lahat ng problema. "Sa laki ng perang binitiwan ng kliyente ko kapalit ng kasal nila ng anak mo ay kulang pa ang mga pag-aaring kinuha niya sa 'yo, Mr. Gonzalez. Ilang daang milyon ang inutang mo at binayaran niya, hindi pa kasali ang perang bi

