Sa top floor ng hotel ako dinala ni Jared. Hawak kamay na pumasok kami sa isang garden set restaurant na nakakamangha ang design. Hindi ko akalain na pwede pala ang ganitong set up pero sabi nga nila, walang imposible basta may pera. Well I'm agree with that, mukhang ginastusan ng milyon-milyong dollars ang buong lugar. Who would imagine na may garden restaurant sa top floor ng isang almost forty floors na hotels? Kitang-kita ang pataas na sikat ng araw na sumabog sa buong kabundukan. Mataas ang location ng buong Genting Highland, napapaligiran ito ng bundok at makikita sa baba ang buong city ng Kuala Lumpur. Amazing, hindi nila sinira ang kabundukan kahit ginawa nila itong business land. Mostly, cable car ang maghahatid sa mga bisita dito. Bihira ang private car at may ilang buses pa

