"Fvck, no! Wala akong ibang babae, sweetheart," agad na sagot nito na itinanggi ang sinabi ng kaibigan. "Gano'n lang talaga si Madrigal, gusto ka lang niyang magselos," naiiling na paliwanag nito sabay ngiti. Inirapan ko siya, "Ako magseselos?" Tumango agad si Jared sabay matamis na ngumiti sa akin. Magkapareho nga sila ng kaibigan niyang mukhang baliw. Ang yabang, akala mo naman gwapo siya para magselos ako dahil lang narinig ko na may mga babae siya. "Matulog ka ulit tutal inaantok ka, nakarinig ka lang ng maraming babae nabuhay pati kaluluwa mo," inis na sabi ko sabay tayo sa kama. "Sweetheart, hindi ngayon. Fvck, pahamak talaga si Declan." Hindi ko siya pinansin pero inirapan ko sabay pasok sa banyo para mahilamos at toothbrush. Marami palang mga babae ha! Nadatnan kong may

