Oh god! Naalala ko na ang sinabi niya at isang patunay na alam kong hubad ako at katabi sa kama ang lalaking iyon. Kagat ang pang-ibabang labi na bahagyang ginalaw ko ang namamanhid na binti ko. Natigilan ako ng maramdaman kong hinaplos gamit ang daliri ng katabi ko ang dibdib ko sabay pisil na sapo pala ng isang kamay nito habang natutulog. Natatakot akong lingunin siya, ayaw kong makita ang mukha niya para hindi ko maalala ang ginawa kong kapangahasan kagabi. Sinubukan kong bahagyang gumalaw para maalis sa katawan ko ang mabigat na braso niya pero lalo lamang humigpit ang pagkakapulupot niya sa katawan ko. Malakas ang kalabog sa dibdib habang pigil hininga na gumalaw ako palayo sa lalaking katabi ko para makaalis na pero mukhang nagising na ito nang tuluyan. "Sleep more sweetheart,"

