Pakiramdam ko kasi ang puluted ng hangin dito at nasasakal ako. Siguro ay dahil kasama ko siya kaya ganito ang nararamdaman ko. Ayaw ko sa lahat ay ang pinipilit ako, kapag natuloy ang kasal na gusto niya, nakikita kong magiging sunod-sunuran lamang ako sa kan'ya at walang pinag-kaiba iyon sa naging buhay ko kasama ang mga magulang ko. I want something better for myself, buhay ko ito, walang ibang dapat makialam para kontrolin ako. Nagsasawa na ako sa ganitong sitwasyon at kapag natuloy ang kasal namin ni Mr. Laxamana ay siguradong gano'n pa rin ang mangyayari sa akin. Dahil walang ibang tao, pinakawalan ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Galit ako at masama ang loob ko. Parang hindi tao ang turing nila sa akin kung 'di isang bagay na pwedeng ipagbili at ariin. Nasasaktan ako ng h

