"Tell me, anong laman ng kontra na pina-pirmahan mo sa akin? Sana nilagay mo rin doon na wala akong kukunin na kahit isang kusing sa kayamanan mo because I'm not interested. Iyan naman ang dahilan kaya natuloy ang kasal matin, hindi ba?" Tiim ang labi at nakatingin lang siya sa akin. Nakapamulsa na ang mga kamay na halatang nakakuyom sa loob na tila ba pinipigilan niya ang sarili sa hindi ko malamang dahilan. "Nothing like that, Camilla," mahinahon na sagot nito. "What exactly is in that contract?" frustrated na tanong ko. "You can't divorce me, and that's the end of it." Nanlilisik ang mga mata ko sa kan'ya. Inalisan na niya ako ng karapatan magpasya para sa sarili ko tapos balak pala talaga niya akong ikulong sa bahay na ito habang buhay. "You're so self-centered, Mr. Laxamana, a

