"Are you really sure about this?"
Lumingon naman ako sa pwesto niya at ngumiti. I gently tap my fingers to my thigh as I watch the scenery from the outside. Humming and banging my head to the beat of the song that is playing on the radio as the blazing rays of the kissed my skin.
"Kaysa maging sunod-sunuran kay papa mas okay na ito."
Umiling naman siya sa sinabi ko. He may find it lame, but for me it's my everything. No one knows how cruel my father is. No one knows it, but me, her daughter.
"What? Totoo naman. At least matuto akong maging independent kapag ganito."
"Alam mo namang doon pa din ang bagsak mo 'di ba?"
Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Huminga lang siya ng malalim at tinapik ang balikat ko.
"Alam ko naman, but I still want to try. I don't want to follow him all my life."
"Fine. Malapit na tayo sa bahay na tutuluyan mo."
Tumango naman ako. Unti-unting napalitan ang kulay ng langit. Masyado na ata kaming matagal sa daan. The sea breeze filled up the whole car as I rolled down the window. Watching how the water has eats the raging sun as the other side shows the all mighty moon.
"Thank you, Zero. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."
"Tsk! Ano pa nga bang magagawa ko?"
Laughter echoed the whole car. Until he stopped the car in front of a small house. Ibang-iba 'yon sa nakasanayan ko, but still it's perfect. Ako lang naman mag-isa dito. I roam my eyes to the gate. Every little detail of it makes it worth it to see. The way the intricate designs are carved as a design for it, makes it worth it.
"This is it?"
"Yup."
Lumabas na siya kaya lumabas na rin ako. Kinuha naman niya ang mga gamit ko sa hood ng sasakyan. Siya rin ang nagbukas ng gate para sa aming dalawa.
Ako naman ang nagsara no'n. Sumunod naman ako sa kaniya pagkatapos no'n. This place is good, too green, but it satisfies my eyes. At least, hindi na puro taong nakahilera ang nakikita ko.
"How did you find it?"
I asked him while following him. Nakaka-relax ang vibes dito. I open my arms then, breath slowly. How I love freedom. How I wish this is a true freedom.
"Some friend suggested it to me. Kaniya 'tong bahay actually, pero hindi naman daw niya tinitirhan."
"A boy or a girl?"
"Boy."
"Bakit hindi mo agad sinabi? Baka mamaya r****t 'yan. Nako, Zero!"
I heard him chuckled then, face my direction. I pout my lips while eyeing at him.
"He's safe, okay. Kapitbahay mo siya actually. Kaya huwag kang mag-alala dahil hindi ka niya pupuntahan dito. I trust him."
I simple nodded at his answer. Fine, kung pinag-kakatiwalaan niya then, I will put my trust on him too.
"Just make sure. Kapag may nangyaring masama sa akin, ikaw ang sisihin ko."
He just chuckled then, turn away. May kinuha siya sa bulsa niya at nilapit sa pinto. Then, we heard a click.
"Zero!" I whined at pinadyak ang paa ko sa daan. Hindi naman siya sumagot bagkos ay binuksan lang ang pinto.
Aish, what a cousin he is. Tumayo na ako nang maayos bago sumunod sa kaniya.
Mas lalo namang akong napahanga nang makapasok kami sa loob ng bahay. Minimal designs that makes it looks simple. Mukhang simpleng tao lang ang nakatira sa bahay na ito noon.
Brown is dominating the whole living area because the furnitures are all wooden. And the interior design is wooden too. The incandescent lights add the homey aura for the house.
Sa pag-iikot ko buong bahay talaga ay wooden. May mga concrete pero may nakapatong na wood as its design. Kahit ang handrails ng hagdan ay gawa din sa kahoy.
"Does he love simple things? Halatang-halata sa buong bahay. Sobrang minimal ng mga design."
I asked to Zero who's sitting on the couch, as I trace the handrail with my fingers. Nasa second floor ako pero overlooking 'yon sa buong first floor kaya kita ko siya. Umangat naman ang tingin niya sa akin.
"Si Ralph? Oo. Mas gusto no'n ang mga ganitong bagay. Hindi na namin napalitan ng interior dahil minadali mo ang paglipat."
Ralph? Is it him?
"Nah, okay lang. I like it. Hindi naman masakit sa mata. By the way, who's Ralph? Is he the owner?"
Tumango lang siya then, he rests his body on the couch. I think he's really tired. Halos kalahating araw ang binyahe namin galing Manila.
"Want some water? Kukuha kita."
The sounds of my shoes stepping on the stairs echoed the room. Mabilis naman akong nakarating sa kusina para kumuha ng tubig. Madali lang naman dahil walang divider ang kusina sa sala kaya kita ko pa din siya.
I saw him stretching his arms. His muscles protruded with his stretch. Mukhang napagod talaga siya sa byahe. Hindi ko naman pwedeng utusan ang driver dahil malalaman ni Papa kung saan ako bumili ng bahay.
"Here."
Inabot naman niya 'yon. Large gulps become visible as he drinks.
"Sorry to bother you. I just really don't know who to call. Ayoko namang bumyahe mag-isa dahil baka maligaw ako."
"That's okay. I need to go. Magpahinga ka na din. Bukas na natin ayusin ang mga gamit mo."
"Where are you going to stay?"
"Kay Ralph."
Tumango naman ako sa sinabi niya. Kinuha na niya ang gamit niya at tumayo na palabas. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto.
"Goodnight!"
Kumakaway kong wika sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumalikod na. Pinanood ko siyang buksan at sarhan ang gate. Hindi ko na nakita kung nakapasok ba siya sa kabila dahil malaki ang harang na pader.
I leaned to the door afterwards. This is too exhausting. Dapat talaga hindi na ako pumayag. I didn't even know what can I gain from this. Is it the freedom that I want or another prison that I made for myself?
Kinalkal ko muna ang maletang dala ko para makapagpalit ng damit. Mabilis naman akong naglinis at dumiretso na sa kama.
"Hm, new day tomorrow. Start of my misery."
Ngumiti naman ako at pumikit na.
"Good morning world!"
Tumayo na ako at nag-unat bago nag-ayos ng mukha. Tinali ko naman ang buhok ko bago bumaba.
"Nakakamiss din pala."
I sighed then, smile. Scenes of how I wake up before flashes in my head. How my father would sit on the dining. How he sips his coffee then, smile at me when he saw me.
"Good morning!"
Napaigtad ako sa biglang narinig. Mabuti na lang at nakahawak ako sa handrail kung hindi pilay na sana ako ngayon.
"Zero! Pwede ba! Muntik na akong mahulog."
I heard Zero chuckled. Umirap naman ako sa kaniya. Mas kasama siyang lalaki sa likod niya. Kunot noo namang akong nakatingin doon.
He's seriously eyeing me habang ako ay humihingal pa sa gulat. Nakahawak ang isa kong kamay sa bandang puso ko.
"Who's he?"
"Si Ralph. 'Yong sinasabi ko sa'yong may-ari noong bahay."
Tumango naman ako at umayos na nang tayo. Dahan-dahan akong bumaba papunta sa pwesto nila.
"Hi."
Tumango naman siya. I scratched my jaws. Dapat talaga ang binili naming bahay ay 'yong bago talaga.
"Kumain na kayo?"
"Hindi pa nga e. Magluluto ka?"
Nagningning ang mata niya dahil doon.
"Ano pa nga ba. May supply ba dito?" I asked facing them. Ano na lang lulutuin ko kung wala. Nakakatamad naman mag-grocery ng ganito kaaga.
"Sa bahay na lang."
Gulat naman akong napalingon sa pwesto niya. Uh, is that okay? Nakakahiya naman ata.
"Okay lang ba?" I asked scratching my jaws. I saw a small smile form in his lips. Right, fall into it, boy.
"No problem. Okay lang."
Naglakad na kami palabas ng bahay. Mabilis lang naman kaming nakarating sa bahay niya since magkatabi nga lang. Siya naman ang nagbukas ng pinto para sa amin.
"Magluluto ka ba or ako na ang magluluto?"
Mabilis naman akong umiling sa sinabi niya. Masyado na atang nakakahiya kung gano'n.
"Ako na. I can manage. Pakituro na lang kung saan 'yong mga gagamitin ko. Nakakahiya namang magkalkal."
I said scratching my jaws again. Tumango naman siya at dumiretso na sa kusina. Masaya namang nakatingin sa amin si Zero.
"Sarapan mo, Dolce!"
Umirap naman ako at sumunod na kay Ralph. Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon, sikmura na naman niya ang iniintindi.
"Ano bang lulutuin mo? Ako na ang bahala sa kanin."
"Adobo na lang sana, para mabilis."
Tumango naman siya. Siya na din ang naglabas ng mga ingredients na gagamitin. Pati ang utensils siya din ang nag-ayos.
"What's your name?"
"Dolce. Dolce Marithe Murgel."
"That's unique."
I laughed at what he commented. Totoo naman e, I don't know what happened at nagka-ganan ang pangalan ko. Still, I like it. Being unique and such.
"How about you?" I asked while cleaning the ingredients. Habang siya naman ay busy sa pag-aayos ng sinaing.
"Ralph. Ralph Lauren Deciant."
"Oh. That's a brand, right? Pareho pala tayo." I said laughing. At least may katulad na ako ng pinagmulan ng pangalan. Tumango naman siya. I see, he's the type that doesn't talk too much.
Tumahimik na lang ako at nag-simula na. Mabilis ko namang ginayat ang mga ingredients. Siya naman ang nagsalang ng paglulutuan at nilagyan ng langis.
Pagkatapos ko namang magluto ay siya ang nag-ayos ng lamesa. Si Zero naman ay hindi pa din pumapasok sa kusina. Nag-aantay pa ata ng grasya.
"Zero!"
"Papunta na!"
Umirap naman ako. Nag-aantay talaga ng tapos namin e.
"Kakain na?"
"Mag-ayos ka ng lamesa natin. Huwag puro kain, tsk!"
I heard Ralph chuckled. Napatingin naman ako sa kaniya. His chuckles instantly fade when I eyed at him.
"Akala ko naman kakain na tayo. Aish, gutom na ako!" nagmamaktol niyang wika. Lumapit naman ako sa pwesto niya hawak ang siyansi. Mabilis ko 'yong hinampas sa ulo niya. Pasalamat siya at hugas na 'yon kaya hindi siya nagka-adobo.
"Aish. Ang baboy mo naman Dolce. Eto na nga, mag-aayos na!" pagdadabog niya. Kumuha naman siya ng baso at pitchel ng tubig. Nakabusangot niya 'yong nilapag sa lamesa. Dagundong ng pagbagsak ng baso ang umalingawngaw.
"Zero!"
"Aish. Sorry," nakabusangot na wika niya. Kinamot naman niya ang ulo bago nagdahan-dahan sa paglalapag ng mga baso.
"Sorry. Ganiyan talaga si Zero minsan." I apologized to Ralph. Ngumiti lang siya at tumango.
"Okay lang. Didn't know that Zero have that kind of side. Mukhang sa'yo niya lang nilalabas. Mas sanay ako nang tahimik siya."
"Huwag ka nang maingay, bro."
"Oooh, Si Zero? Tahimik? I want to see that."
Matalim na tumingin si Zero sa akin. I suspiciously eyed him. Ngumiwi naman siya at nagpatuloy na sa pag-aayos.
"Let's eat!" masaya kong aya sa kanila. Binaba ko naman ang bowl ng adobo habang si Ralph naman ang nagbaba ng bowl ng kanin. Mabilis naman kinuha ni Zero 'yon. Gutom na talaga siya, hays.
Umirap naman ako na naging ngiti dahil siya ang naglagay ng kanin sa pinggan ko. Siya din ang naglagay ng ulam pati na din ang tubig sa baso.
"Ooh, ang bait mo naman ata Zero."
Umirap lang siya at sumubo na. Napalingon naman ako sa pwesto ni Ralph. Nakatingin lang siya sa pinggan niya.
Kinuha ko naman 'yong kanin at nilagyan siya pati na din ang ulam. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Ngitian ko lang siya na sinuklian niya ng ngiti.
My heart beat race fast because of his smile. Binaba ko na ang bowl pagkalagay ko. Nakayuko naman akong kumain. I felt my cheeks blushing.
Saka lang ako umayos ng pwesto ng maalis ang nararamdaman kong mainit sa aking pisngi. Uminom naman ako ng tubig pagkatapos kumain.
"Ngayon ka lang dito, right?"
Napatango naman ako sa tanong niya.
"Gusto mong sumama? May gala kami ni Zero. Sa may Hacienda lang."
Sumilip naman ako sa pwesto ni Zero. Tumango naman siya.
"Okay. Magbibihis muna ako."
Tumayo na ako para makapag-ayos na. Nakakahiya naman kung aantayin pa nila ako.
"Dalian mo, Dolce. Don't forget to lock your doors especially the gate."
Ngumiti naman ako sa paalala ni Zero sa akin.
"Yes, papi!"
I even saluted my hands at him bago masayang lumabas ng bahay ni Ralph. Hindi na ako nag-abalang i-lock 'yong gate. Hindi naman siguro sila mapapasukan.
Mabilis naman akong naghalungkat ng damit na masusuot ko. Dapat talaga nag-ayos na ako kagabi, aish. Ang kalat na tuloy ng kama ko.
Kinuha ko ang isang spaghetti strap na damit. Hindi naman gano'n kalalim 'yong neckline kaya okay lang. I paired it with a short. Then, rubber shoes. Simple pero okay na siguro to dahil sa hacienda lang naman kami pupunta.
Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko sila sa may harap ng gate. Kumaway naman ako at lumapit na sa kanila.
"Tara na?" I asked smiling widely. Nakaka-excite gumala. Nakapunta na ako dati sa hacienda, pero syempre iba 'yong vibes kapag hindi sa inyo 'yong gagalaan mo.
"You're wearing that? That's too revealing," kunot noong turo ni Ralph sa suot ko. Pinasadahan ko naman nang tingin ang suot ko. It's decent enough, anong problema?
"Hayaan mo na, bro. Ganiyan talaga mag-da-damit ang babaeng 'yan. Hindi na mapigilan ng isang 'yan," irap na sabi ni Zero habang pinapasadahan ng tingin ang damit ko. I just shrugged at them.
"Your hair. Mas okay 'yan kung itatali mo. Mahangin doon."
"Oh, wait. Kukuha ako ng pang-ponytail," paalam ko sa kanila at bumalik sa bahay. Nakakapagod, geez. Mabilis kong kinuha ang panali na nakita ko sa may kama. Habang nasa daan ay inaayos ko na ang buhok ko. Kailangan ko na ata ng haircut ngayon. Masyado na silang mahaba.
"Tara na! Galang-gala na ako," naiinip kong aya sa kanila. Napatawa naman sila sa sinabi ko. Nagsimula na silang maglakad.
"Wait. Lalakad tayo?"
Tumango naman sila. Napanganga naman ako. That... Baka hindi ko kayanin. Oh god, ang init-init tapos maglalakad sila? Wala ba silang sasakyan? May dala naman si Zero kahapon.
"Malapit lang naman. Exercise na din."
"Huwag kang tamad, Dolce. Ayaw mo no'n mahuhughog ang taba mo?"
I mentally cursed Zero in my head. Ang kapal niya, wala akong fats.
"Excuse me!"
Tumawa naman siya at hinila na ako. Nakabusangot naman akong nagpahila sa kaniya. What a life, adventure pala ang kalalabasan ng gala namin.