"Wala po si Sir Nixon, miss Prudence."
Kumunot ang noo ko. "Pero sabi n'ya, magkita daw kami ngayon," nalilitong tanong ko sa isa sa mga kasambahay sa mansyon ng mga Vergara.
"Kung gusto n'yo po, hintayin n'yo na lang po. Baka uuwi din po agad," nakangiting suhestyon n'ya na tinanguan ko lang naman.
Pinili ko na sa hardin maghintay. Nag-text na din ako kay Nixon na nandito ako sa bahay nila.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa swing couch habang nagpapalipas ng oras. Medyo napuyat din kasi ako kagabi dahil sa magdamag na pag-uusap namin ni Nixon sa telepono.
I was startled when I saw someone watching me closely when I opened my eyes. Ni hindi s'ya lumayo kahit nang makita na gising na ako.
"A-Artamiel," I breathlessly uttered.
Ilang saglit na nakatitig lang s'ya sa akin pero tumuwid din naman s'ya ng upo matapos magbuntong-hininga. He tilted his head then grinned at me.
"You can wait on his room, Prudence. You can sleep more comfortably on his bed," he said in a serious tone. He stood up then he started walking away.
My forehead creased at the tone of his voice. It was not sarcastic, unlike the tone he's usually using on me. And there's something off with him.
I don't know what got into me but I followed Artamiel. Sinundan ko s'ya papasok ng mansyon at paakyat ng hagdan. May mga kasambahay na nakakita sa amin pero hindi naman nagtuon ng pansin.
"M-Miel..."
Nilingon n'ya ako. Napaawang ang mga labi ko nang makita ko ang labis na pagod at lungkot sa mga mata n'ya.
"I... I-I'm fine," tila wala sa sarili na sabi n'ya at tumuloy na sa silid n'ya.
I know I shouldn't, but there's always something with Artamiel that's pulling me in. Sinundan ko s'ya sa kwarto n'ya. Tahimik na dinasal ko na sana ay naka-lock ang pinto n'ya para matigil 'tong kabaliwan ko na pag-sunod sa kanya, pero bukas 'yon.
Sakto sa pagbukas ko ng pinto ay ang paghubad n'ya ng t-shirt n'ya. He got his back on me.
"Oh my God!"
I mindlessly walked towards him. He flinched when I touched his back.
"Artamiel, who did this?" I asked in a worried tone.
Ibinagsak n'ya ang katawan sa kama, padapa. "Just leave me alone."
Ilang sandali na natitigilan pa ako habang nakatingin sa mga latay sa likod ni Artamile. They looked fresh!
"Tita Courtney must know this!" I panicked.
Patalikod pa lang ako para umalis ay nahawakan na agad ni Artamiel ang kamay ko.
"No, Prudence," nakikiusap na sabi n'ya. "No one should know. Please?"
Dahan-dahan s'yang bumangon at hinila ako. Napasinghap ako nang pumulupot sa akin ang mga braso n'ya. Isinubsob ni Artamiel ang mukha n'ya sa tiyan ko.
"Please don't tell anyone," he murmured then he fell unconscious.
Ilang sandali na natigilan lang ako. I don't know what to do.
Wrong!
I know what I should do, but I want to hear his plea.
He begged.
And somehow... I can understand him.
Maybe what he said was right. That we're of the same feather. We're of the same kind, wearing masks to conceal our true selves.
I sat down on his bed, then I placed his head on my lap. I gently stroke his hair.
This Artamiel... it's the real him. Without the mask of sarcasm and his made-up personalities, he's nothing but a vulnerable and fragile boy.
And I ache for him. I feel with him.
I understand his pain.
Because like Artamiel, I am hiding my own demon. Like Artamiel, I am wearing my own mask to conceal my fears. And like Artamiel, I am using others to pacify my anger, my anxiety, and the disgust I have for myself.
Much as I hate it, I am using Nixon.
I love him, but I was selfish enough to use him.
After my pity parade for myself, iniayos ko na ng higa si Artamiel. Medyo mahirap, pero naidapa ko naman s'ya nang maayos sa kama n'ya. Matapos s'yang pagmasdan ng ilang sandali ay iniwan ko na s'ya at bumalik na ako sa hardin.
"Miss Prudence, tumawag po si Sir Nixon. Nagtanong po kung nandito pa rin daw kayo. Hindi n'yo raw ho sinasagot ang mga tawag n'ya," sabi sa akin ng nakasalubong na kasambahay.
Hindi na ako nakasagot sa kanya at nagmamadaling hinanap na lang ang telepono ko. Mabilis na tinawagan ko si Nixon.
(Dad suddenly decided to take a trip on Madrid. He brought me with him. Sorry, hindi na ako nakapag-paalam,) Nixon said in a grumpy tone. I can even imagine his scowl.
"O-Okay lang. Enjoy ka na lang sa bakasyon n'yo," I giggled.
Nag-usap lang kami sandali at sinabi ko sa kanya na uuwi na din naman ako.
I know what I should do, but it was as if my body has mind of its own. I just found myself entering Nixon's room, getting the first aid kit on his bathroom, then I went inside Artamiel's room.
"How do you get all these?" I asked in a hushed voice as I gently tend to his wounds.
Hindi ko maiwasang mapangiwi habang dinaramdam ang mga sugat n'ya sa dulo ng mga daliri ko. Pulam-pula at mahahaba ang walong latay na nasa likod ni Artamiel.
Sumali ba s'ya sa fraternity? Pero ang nababalita ay pinapalo ang mga nasa hazing. Ang sinalihan ba ni Artamiel ay nilalatigo imbes na pinapalo?
Bumaling sa akin ang ulo ni Artamiel at unti-unting bumukas ang matatamlay na mga mata n'ya.
"Leave me, Prudence," he murmured.
I smiled at him then nodded my head. "Mamaya. Lalagyan ko lang ng cream 'tong mga sugat mo."
"I can manage. Just go," he groaned.
"If you won't let me, then I'll tell Tita Courtney," I sighed.
I was a bit taken aback when he smirked.
"So that's how you play the game? Blackmail?" he chuckled. "Come on, show me something more cataclysmic."
I pressed my lips into a thin line. I chose to ignore his remarks.
Naging tahimik na kaming dalawa habang ipinagpapatuloy ko ang paggamot sa mga sugat n'ya. Unti-unti namang nahubad ang maskara n'ya at nawala ang ngisi n'ya.
"What happened to you, Artamiel?" I asked once more.
He gave me a sad smile. "I could tell you, but you have to die."
My jaw dropped. He's too serious saying those words.
Magtatanong pa sana ulit ako sa kanya pero iniiwas na n'ya ang mukha n'ya sa akin.
Kung ayaw n'yang sabihin, hindi na ako magtatanong pa. Naiintindihan ko. Dahil maging ako ay may mga bagay din naman na ayokong sabihin sa iba.
Nang matapos ako sa mga sugat n'ya ay iniwan ko na s'ya at umuwi na ako sa amin.
That night, I can't stop thinking about Artamiel.
I know I shouldn't but I can't stop thinking about him. And his wounds, it just sunk in me how serious they were.
Is it alright for me to keep my mouth shut?
Or course, it is not! Dapat ay ipaalam ko kay Tita Courtney. But the image of the real Artamiel... that Artamiel without his mask... it overwhelmed me. And just by thinking about him, frail and vulnerable, I can't help but to sympathize.
While looking at those pair of lonely eyes, I felt like looking at the reflection of my same despair.
Maybe, Artamiel was right. Maybe, we're of the same kind of person.