"She's someone who is no longer around, Isabel... We shouldn't talk about it." Pilit mang iwaksi ni Izzy ang nararamdamang pagkailang at pagtataka ay hindi niya magawa, lalo at mukhang taliwas sa sinabi ni Seth ang bawat aksyon nito, ramdam niya ang pagiging mailap ni Seth maging ang bahagyang pag kuyom ng mga kamao nito nang banggitin niya ang pangalang iyon. Alam niyang wala siya sa lugar para mag tanong lalo at malinaw naman ang sagot ni Seth na ayaw nitong pag usapan pa ang tungkol doon, kaya lamang dahil sa pag iba ng reaksyon at tila lihim na galit nito ay hindi niya maiwasang huwag lalong mag taka. "Ku-kung wala siya, ba-bakit nakikita ko pa rin sa halos lahat ang pangalan niya?" Halos pabulong niyang tanong saka nag iwas ng tingin nang mapa buga ng hangin si Seth. "Ano ba sa h

