Madilim pa nang magising si Izzy mula sa mahimbing na tulog, agad pang nangunot ang kanyang noo nang hindi natagpuan sa kanyang tabi si Seth na kagabi lamang ay katabi niya sa malaking kama. Tinatamad siyang bumangon mula sa pagkakahiga saka ibinalot sa hubad niyang katawan ang natagpuang kulay puting long- sleeved shirt na pag aari ni Seth na natagpuan niya sa may paanan ng kama, sandali pa siyang napa ngiti nang mapansing nag mukha siyang hilaw na turon dahil sa laki ng damit ni Seth. Naiiling na lumabas sa silid na iyon si Izzy upang kumuha ng maiinom at hanapin na rin si Seth. Sandali pa siyang napasimangot nang katahimikan at kadiliman ng bahay ang sumalubong sa kanya, agad rin namang naagaw ang kanyang pansin ng liwanag sa maliit na siwang ng isang pinto malapit sa sala, nag aalan

