Chapter 58

1778 Words

Gaya ng sabi ni Seth, nag hihintay nga sa kanya sa labas ng coffee shop ang sasakyang minamaneho ni Robert, tipid pa siyang napa buntong-hininga nang makitang bumaba doon agad si Robert nang makita siya nitong palabas sa coffee shop kasama si Jane. “Sino ‘yan? Huwag mong sabihing sundo mo?” Tanong ni Jane, kunwari namang napa irap si Izzy saka simpleng tumango. “Ganoon na nga…” “Aba… Taray… Ang gara ng sasakyan ha?” “Huwag kang mag alala, hindi akin ‘yan. Kahit nga yata isang gulong niyan hindi ko kayang bayaran.” Naiiling niyang sabi, hindi pa rin mawala ang kanyanhg disappointment nang maalalang buong perang kinita niya ngayong gabi ay pinangbayad niya lamang sa mga order na kape at pagkain nina Carl at Seth kanina. Kung palaging ganito, magiging wala ring silbi ang pagpapakapagod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD