Ilang minuto bago mag alas- sais ng gabi nang makatanggap ng text message si Izzy mula kay Robert upang sabihing nasa may labasan na ito at nag hihintay, hindi na nag taka pa si Izzy kung paano nitong nakuha ang kanyang number, sa halip ay nag madali na lamang na kinuha ang ilang gamit na kanina niya pang hinanda saka mabilis nang lumabas upang puntahan ang may kasungitang driver ni Seth. Tahimik pa siyang nag pasalamat nang sa pag labas ay hindi niya nakasalubong ang kaibigang si Pating na madalas na tambay sa labasan tuwing malapit nang mag gabi. Pag labas pa lamang ay bumugad na agad sa kanya ang magara at kulay itim na sasakyan ni Seth at si Robert na tila pinag sakluban ng langit at lupa ang mukha, bahagya itong naka sandal sa sasakyan saka nag mamadaling kumilos nang makita siya up

