Madilim pa nang magising si Izzy mula sa mahimbing niyang pag tulog, nanlalabo ang mga matang dahan-dahan niyang inikot ang tingin saka natatarantang napabalikwas ng bangon nang mapag sino ang taong naka tayo malapit sa pinto. “Morning.” Tila tinataman na bati nito sa kanya, agad namang nasapo ni Izzy ang sariling noo nang bahagya iyong kumirot. “G-good morning din…” Paos at halos pabulong niyang sagot. “Hangover?” Taas ang kilay na sabi ni Seth Santiago saka marahang nag lakad palapit, kung hindi niya pa halos iuntog ang ulo sa matigas na pader dahil sa sakit, malamang sa hindi ay nairapan niya ito ng matalim. Sa itsura pa lamang kasi ni Seth ay tila basang-basa niya na ang gusto nitong sabihin sa kanya. ‘Iyan ang napapala mo, Isabel.’ “Oo na, hangover na kung hangover… Aba naman,

