Chapter 19 Nagising ako dahil sa walang humpay na tunog ng cellphone ko sa ibabaw ng mini table ko. Kahit nakapikit pa ang mga mata ko ay pinilit ko pa rin maabot ang phone ko. Kinapa-kapa ko ito sa ibabaw ng mesa, ng mahawakan ko na ito ay hindi ko na tinignan pa kong sino ang tumatawag. Basta basta ko na lang itong tinapat sa tenga ko at nagsalita... "Yes, hello! Who's this?" Bungad ko dito at agad naman nawala ang antok ko sa katawan ng marinig ko kung sino ang nasa kabilang linya. "Hello, Agent A! You have a new mission to handle. Come here at the HQ by tomorrow morning, at 8 am sharp. And congrats on your accomplished mission, Agent A!" Pahayag sa kabilang linya. Agad ko naman nakilala kong sino ito dahil sa tagal na panahon na nag kasama kami. Kabisado ko na ang boses niya. "Cop

