Chapter 8 Nakauwi na kami ni Liam sa bahay. At ngayon ay nakahiga na ako sa kama ko. Iniisip ko kong dapat ko bang sabihin kay Liam na pumasok ako sa isang training center. May bahagi ng utak ko na dapat sabihin ko sa kanya para at least, alam ni Liam ang pinaggagawa ko. Pero sinabi rin ng kabilang isip ko na wag mong sabihin dahil baka magalit lang si Liam at hindi ako payagan. Nakatulog na lang ako sa kakaisip kong dapat ko bang sabihin O hindi. _________ Kinabukasan ay hinatid ako ni Liam sa school namin at pina-alalahanan pa niya ako na wag magpalipas ng gutom. Nang matapos ang klase ko ay dumiritso na ako sa Training Center ni Mr. Martin. Dahil ngayon ang starts ng training ko. Nag abang ako ng taxi at nang may dumadaan na walang nakasakay ay agad akong pumasok. At sinabi ang lu

