Chapter 6: Part 2

1539 Words

Nasa labas na ito ng kotse at binuksan ang pinto niyon. Agad siyang bumaba doon. Bumungad sa kanya ang maraming mga kotse. Napagtanto niyang nasa parking area sila. Lahat ng mga kotseng nakaparada doon ay mga magagara. Mangilan-ngilan lamang ang makikita mong mga simple lamang.  "Follow me."  Hindi naman nakakatakot ang presensya ni Joseph ngunit hindi niya maiwasang hindi kabahan tuwing nagsasalita ito. Malumanay ang boses nito at kung hindi mo kilala ay masasabi mong mabait ito. Mukha rin itong hindi mahirap pakisamahan dahil palagi itong nakangiti sa kanya.  Marahil dahil na rin sa sinabi nito kaya napapasunod agad si Crystal.  Pumasok sila sa pasilyo na may salamin na pinto. Ang tanging desenyo noon ay ang kulay kremang pintura bukod doon ay wala ka nang makikita maliban sa dalawang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD