Ilang araw na hindi nakapasok sa trabaho si Crystal dahil palaging may mga fans ni Hanuel sa kanyang trabaho. Maging sa labas ng building ay hindi siya makalabas dahil meron din ditong naghihintay na mga fans. Pinagpapasalamat na lamang ni Crystal na hindi ginugulo ang pamilya niya sa Cavite. Siya lang ang pinupuntirya ng mga ito. Hindi kasi nila matanggap na merong isang Pinay na karelasyon daw si Hanuel. Iyon ang sabi sa internet. Ilang araw na siyang trending sa iba't ibang social media. Malandi. Gold Digger. Prostitute. At kung ano-ano pa ang tawag sa kanya ng mga fans nito na hindi matanggap na 'Girlfriend' siya ni Hanuel. Pakalat-kalat na rin ang picture niya sa social media at ginagawan ng kung ano-anong caption. Mapa-pinoy o taga-ibang bansa ay bina-bash siya. Lalong-lalo

