"Wow!" namamanghang saad ni Crystal habang nakatanaw sila isang isla. Maliit lamang iyon kung titignan at napapalibutan ng puting buhangin. Nakasakay sila ni Hanuel sa isang private sea airplane. Mahigit dalawang oras din ang biniyahe nila mula sa Manila papunta sa Palawan. Katabi niya si Hanuel na naka-sunglasses na itim, puting polo shirt na bukas ang tatlong butones sa itaas at dark blue na short na hanggang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng kulay brown na espadrilles. Tahimik lang ito at nakatanaw din sa islang pupuntahan nila. Agaw pansin ang kagwapuhan nito at pihadong merong makakakilala sa kanyang mga tao. Si Crystal naman ay nakasuot ng kulay blue na boho dress na may floral na mga naka-imprinta. Mahaba iyon at hanggang sa may sakong niya. Hindi naman siya nahihirapan kumilos dah

