Tahimik lamang si Hanuel na nakatanaw kay Crystal. Kanina pa siya kinakausap ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit si Joseph ang sumasagot dito. Kahit noong kinuha ang order nila ay si Joseph din ang nagsabi. Maige na lang ay mabilis ang aksyon ng building at madaling napaalis ang mga tao kanina. Nagkalat na rin ang mga guard sa entrada ng hotel at ng restaurant. Kumain siya habang nakatingin lang kay Crystal na may kasamang lalaki. Panaka-naka rin itong tumitingin sa kanila pero agad nitong binabawi kapag napapatingin sa mga mata niya. Marahil ay labis itong nagulat nang makita siya roon. "Hindi ba artista 'yan?" Tanong ni Bryan kay Crystal. Tumingin kasi ito sa likuran niya at nakita nito si Hanuel. Kalmado na ito ngayon. Nanliit ang mata ni Crystal na para bang may iniisip at baha

