Napangiti si Crystal noong makapasok na siya sa loob ng condo unit ni Hanuel. Ni sa kanyang hinagap ay hindi niya inakala na makakabalik pa siya sa lugar na ito. Noong umalis siya papuntang abroad ay tinanggap na niyang hindi na ulit magtatagpo ang mga landas nilang dalawa. Ngunit limang buwan na ang nakalipas noong magtagpo silang muli ni Hanuel. Mula rin noong ay hindi na hinayaan pa ng binata na hindi sila magkabalikan. Napaigtad si Crystal noong maramdaman niyang mayroong yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. “I missed you,” bulong ni Hanuel kay Crystal. Pakiramdam ni Crystal ay nanindig lahat ng kanyang mga balahibo noong tumama sa kanyang balat ang maiinit na hininga ng binata. Agad siyang pinamulahan ng pisngi. Hinawakan niya ang braso nito at lumingon dito. “Miss mo pa r
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


