Napansin ni Shine na nagtatago ako.
"Bakit kaba nagtatago?!" Padabog sa akin ni Shine.
Tumingin si Shine sa gilid.
"Uyyy! Si Bright oh! Kaya pala nagtatago ka!"
Lumapit si Bright sa amin.
Nakita ako ni Bright. Nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya. Nagdadalawang isaip ako na pansinin siya.
"Ahhh... pabili nga po dalawang buko salad?" wika ng kapatid ni Bright.
Di ako mapakakali nahihiya ako kay Bright.
"Diba si Bri....."
Tumingin si Bright kay Shine
Tinakpan ko agad yung bibig ni Shine
"Ahhh... magkano po lahat?!" Pabilis kong tanong kay kuya.
"Eto po yung bayad! Keep the change nalang po!"
Umalis n kami ni Shine habang tinatakpan ko yung bibig niya.
Nong nakalayo na kami kay Bright... hinampas ko yung tagiliran ni Shine.
"Hahaha... arayyy! Bakit ba?"
"Ikaw Shine ah pahamak ka! Sana di nalang akita sinamahan!" Wika ko kay Shine.
"Hahahaha... halika na nga!"
Pabalik na kami ngayon sa restaurant.
Makalipas ang ilang segundo naming paglalakad...
"Oh bakit? Sino yung kasama niyo kaninang bumibili?" Tanong ni Lucas.
"Ahhh... si ano..."
Ahhh wala! Di namin kilala yun!" Padabog kong salita.
Nako! Nako! Nako! Pahamak ka talaga Shine sana si nalang ang sumama sayo. Yan tukoy nakita ako ni Bright.
Saktong andyan na yung mga orders namin.
"Heto na po ang mga orders niyo" wika ng waiter.
Nilapag na sa mesa ang mga pagkain.
"Thank you po!" Pasalamat namin sa waiter.
"Thank you din po, enjoy!"
Umalis na yung waiter.
Ang una namin tinikman ay yung ukoy. Mukhang masaral nga siya kesa mukha palang niya masarap na.
"Mmmm! Ang sarap!" Tugon ni Lucas.
"Oo nga! Craving!"
"Wait lang guys picture muna tayo" wika ni Shine.
Nagpicture muna kami.
"Uyyy! Kuya kuya! Pwede pong picturan niyo kami" wika ni Shine sa lalakeng naka upo sa likuran niya.
At nagpasuyo pa talaga sa iba! Hindi ba siya nahihiya?! Hayyy nakoo!
Hindi na bale pumayag naman si kuya.
"Oh! Ayan na smile na kayo" wika ni Shine sa amin.
"Ok na kuya?"
"Oo"
"Sige kuya salamat!"
Pagkatapos naming mag picture. Kumain na kami. Grabe ang sarap talaga ng ukoy.
Makalipas ang ilang minuto...
Tapos narin kaming kumain tinawag na namin yung waiter para bayaran yung kinain namin.
"Yez po?"
"Magkano po lahat to?" Tanong ko sa waiter.
"Baleh? 460 pesos po lahat" sagot ng waiter.
"Hetopo bayad, keep the change nalang po" wika ko sa waiter sabay bigay sa kanay yung pera.
"Maraming salamat po!" Pasalamat ng waiter tapos umalis na siya.
"Libre mo lahat Tom?" Tanong ni Lucas.
"Diba ako na nga nag bigay? Hindi paba halata?" Sagot ko kay Lucas.
"Woowww! Rich kid ahhh!" paluko ni Shine.
Inirapan ko si Shine. Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa tabi ng dagat.
Sobrang init ng panahon kaya hindi kami nag tagal don. Mga limang minuto lang kami.
4:39 na ng hapon.
Papunta na kami ngayon sa hotel. Habang naglalakad kami papunta don hawak-hawak ko yung selpon ko.
Lumayo ako kay Shine tumabi ako kay Lucas.
"Ohhh! Bakit ka lumayo sakin?" Naiiritang tanong ni Shine.
"Ahhh! Mahina kase siggnal diyan" Palusot kong sagot sa kanya. Pag tumabi nanaman ako sa kanya, baka titigan nanaman tong selpon kong anong tinitignan ko.
"Ahhhh... ok"
Habang naglalakad kami tumawag si mama.
Mother is calling...
"Hello mah?"
"Hellow anak? Andyan naba kayo?" Tanong ni mama sa kabilang linya.
"Oo mah, kagagaling nga lang namin sa tabi ng dagat" sagot ko kay mama.
Habang nag lalakad kami. Nakita ko si Bright na naglalakad papalapit sa amin.
"Sinong kasama mo pumunta?" Tanong ni mama.
Hindi ko nasagot yung tanong ni mama kase napatulala akong naglalakad habang naglalakad kami.
Lumakas yung t***k ng puso ko. Ninenerbiyos ako. Habang naglalakad ako nakababa ang aking ulo habang nag seselpon.
Binaba na ni mama yung linya. Dahil sa nerbiyos di ko na nasagot yung tanong ni mama saken.
Nakatingin si Bright sa akin habang papalapit ng papalapit.
Buti nalang hindi nila napansin si Bright na dumaan. Baka kulitin nanaman nila ako lalong-lalo na si Shine.
Nong nadaanan nanamin si Bright. Bumagal na yung t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim. Napatingin silang apat sakin dahil sa paghinga ko ng malalim.
"Ohhh? Bakit kayo naka tingin?" Naiinis kong tanong sa kanila. Hindi nila ako pinansin.
Nandito na kami ngayon sa loob ng hotel. Papunta na kami sa elevator. Tatawagan ko sana ulit si mama kaso wala akong load na pantawag.
Habang nasa loob kami ng elevator biglang dumabog si Shine.
"s**t!" Padabog na salita ni Shine. Ano nanaman kaya ang nakita nito sa selpon niya?
"Guyysss tignan niyo, diba ito yung kapatid ng Classmate natin?" Patarantang tanong ni shine. Tinignan namin yung selpon ni Shine.
"Oo si ano yan.... si... Fab..." nakalimutan ko yung pangalan niya.
"Si... Fab.. Fabelyn!" Padabog na salit ni Shine. Oo nga pala si Fabelyn yung kapatid ni Ronalyn.
Pinnood namin yung boong balita sa kanya.
Nagulat kami sa nakita namin at nadinig namin sa reporter ng news.
Nagsi tinginan kami dahil sa gulat
"A-ano?!" Nauutal kong tanong.
"Di namin akalain na sa kanyang edad ay maaga siyang namatay.
Binaril daw siya ng dalawang lalake. Di nila namukaan yung mga mubaril sa kanila.
Buti nalang nakaligtas yung isa niyang kasama na nagngangalang Rose.
Si Rose ay pinsan ni Fabelyn at Ronalyn. Bale? Si Rose ang kasama ni Fabelyn sa araw na nabaril si Fabelyn.
Nanggaling daw sila sa police station para magsampa ng kaso dahil sa nangyari sa kanila noong sabado ng gabi. Pumunta daw sila sa isang okasyon sa kabilabg probinsya.
Namataan sila ng dalawang police. Dahil 9:30 na ng gabi noong umuwi sila sa kanilang bahay.
Ihahatid daw sila ng dalawang pulis sa kanilang bahay ngunit iba palang balak sa kanilang dalawa. Pinagsamantalahan daw silang dalawa sa gilid ng dalawang police. Kaya pumunta sila sa police station para magsumbong o magsampa ng kaso ngunit noong umawi na sila. Dokn na nabaril si Fabelyn.
Nasa hospital na ngayon silang dalawa habang si Fabelyn naman ay nasa morge ng hospital.
Nagiimbistiga palamang sila sa nangyari.
Grabe! Nagulat talaga kami. Akalain mo 15 years old palamang siya. Padami pa siyang pangarap ngunit namatay nalang siya ng walang kalaban-laban.
Papasok na ako ngayon sa room ko. Tinignan ko ang iba pang impormasyon tungkol kay Fabelyn.
Grabe si Fabelyn ngayon ang pinaguusapan sa social media.
"Kawawa naman siya ang bata-bata niya"
Natulog muna ako ng ilang minuto.
Mamayang gabi magnanight swimming kami.
Napahikab ako sa pagod. Inaantok talaga ako.
Zzzzzzzzzzzzz...
Makalipas ang ilang minuto may kumakatok sa pinto. Nagising ako dahil sa katok.
Tokkk! Tokkk! Tokkk!
"Wait lang?!" Sigaw ko.
Inaantok palang ako. Napahikab ako. Sino kaya tong kumakatok?
Dahan-dahan akong bumangon at ipagbukas yung kumakatok.
"Tom!" Sigaw ni Shine sabay katok sa pintuan.
Binuksan ko yung pinto.
"Ohh bakit?!" Naiinis kong tanong kay Shine.
"Sis halika na kakain na tayo" sagot ni Shine.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko ulit kay Shine sabay kamot sa ulo.
"Basta... halika na. Wala ng maraming tanong!" Padabog na sagot ni Shine
Hinila ni Shine yung kamay ko papalabas. Sabay ko namang sinara yung pintuan.
Kinatok din ni Shine yung pintuan ng mga tatlo naming kaibigan.
Lumabas na silang tatlo.
"Guys halina kayo kakain na tayo. Naghanda si papa sa bahay" wika ni Shine.
Saan kaya yung bahay nila? Sumunod nalang kami sa kanya. Pababa na kami ngayon sa first floor ng hotel.
Nandito na kami sa tabi ng kalsada.
Naglalakad kami papunta sa bahay nila Shine.
Medyo madilim na. Tinignan ko yung oras.
6:30 na pala, akala ko 5:00 palamang. Ang haba pala ng tulog ko. Mukhang pagod talaga ako sa pag byabyahe. Ewan ko kong natulog rin yung mga kasama ko.
Nandito na kami sa hara ng bahay nila Shine. Napalaki ang aking pagtingin.
"Wow! Shine ito ba bahay niyo? Ang laki!" Pahanga tanong ni Lucas.
"Oo, pero si lolo at daddy ang nakatira dito pati narin yung mga yaya at hardinero isama mo na rin yung mga alaga naming hayop" sagot at paliwanang ni Shine.
Pinindot ni Shine yung door bell.
Lumabas yung babae para buksan yung gate.
"Ahh... ma'am Shine kayo po pala? Magandang gabi po sa inyo. Pasok po kayo" wika ng babae.
"Magandang gabi din po" parespeto naming wika sa babae.
Habang papasok kami sa bahay nila Shine. Pinapakilala ni Shine yung babae.
"Ahhhh... guys siya si aling Nena. Siya yung nag alaga sakin nong bata pa ako hanggang ngayon. Bale matagal na siyang nagtratrabaho dito bilang yaya. Pero tinuring ko siyang pangalawa kog ina" wika at pakilala ni Shine sabay yakap kay aling Nena.
"Ahhh... buti kapa"
Binuksan ni aling Nena yung pinto.
"Pasok kayo" wika ni aling Nena.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila Shine. Ang ganda ng loob. Tapos ang gaganda pa ng mga paintings wall nila.
"Ahhh... naka handa na po yung pagkain niyo sa kusina" wika nong isa pang babae.
Habang papunta kami sa kusina hindi namin maiwasang tumingin sa gilid-gilid. Sana ganito rin ang magiging bahay ko hahaha!
"Ahhh... aling Nena paki tawag nga po si Daddy at si lolo" pasuyong wika ni Shine kay aling Nena.
Tinawag na ni aling Nena yung daddy ni Shine sa taas.
Umupo na kami. Grabe ang daming pagkain. Siguradong hindi namin mauubos to.
Pababa na yung daddy ni Shine. Kinakabahan kami sa daddy ni Shine.
Papalapot na yung daddy ni Shine.
Tumakbo si Shine at yinakap niya yunh daddy niya. Ang sweet naman. Nakakainggit sana ganon din ako pagdating ni papa.
"Ahhh guys... daddy ko nga pala" pakilala ni Shine.
"Hellow po tito?" Wika namin sa daddy ni Shine.
"Hii.. bakit di pa kayo kumakain?"
Wika at tanong ni tito.
"Hinihintay ka po namin" sagot ni Shine.
"Mamaya nalang ako kumain, tataposin ko pa kase yung mga files para sa kumpanya bukas... kumain nalang kayo"
"Sige po daddy"
Bamalik yung daddy ni Shine sa taas. Kami nalang yung kumain. Tinawag namin yong mga katulong.
"Aling Nena? Halina po kayo kakain napo tayo... tawagin niyo napo yung mga iba pa" wika ni Shine.
"Nako ma'am mamaya nalang po kami kumain.. nakakahiya po" wika ni aling Nena.
Hinila ni Shine si aling Nena paupo.
"Halina po napo kayo aling Nena wag napo kayong mahiya"
"P-pero..." nauutal na wika ni aling Nena habang umuopo.
Tinawag lahat ni Shine ang mga iba pang katulong sa bahay nila.
Pumunta si Shine sa kusina at mga iba pang dulok ng bahay nila.
Kumain na kaming lahat kasama yung mga katulong.
"Kumain lang kayo ng kumain wag kayong mahiya" wika ni Shine sa aming apat.
"Oo"
"Ahhh... btw, hindi ba tayo mag nanight swimming?" Tanong ni Lance.
"Mamaya tayo mag nanight swimming bibili muna tayo ng street foods sa labas" sagot ni Shine.
Makalipas ang ilang minuto.
Tapos narin kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain pumunta muna kami sa sala para manunood ng tv.
"Grabe ang laki ng tv niyo Shine!" Wika ni Lucas.
"Hahaha malaki bah?"
Hindi kami nag tagal sa bahay nila Shine.
7:3p na. Pumunta na kami sa hotel para magpalit ng damit.
Nagpaalam na kami at nagpasalamat sa Daddy ni Shine.
Naglalakad kami ngayon papunta sa hotel. Habang naglalakad kami may nakita kaming naglalako ng balot.
Matagal na akong hindi nakakatikim ng balot.
"Ahhh... gusto ko ng balot!" Wika ni Shine.
"Pati ako! Matagal na akong hindi nakatikim" sabi ko sa kanila.
"Ano guys? Balot tayo?" Tanong ni Shine.
"Sige!"
Sumangayon kaming lahat.
Tinawag namin yung lalake na naglalako ng balot.
"Kuya! Dito!" Sigaw ni Shine sa naglalako ng balot.
Lumapit yung lalake.
"Magkano po balot?" Tanong ko sa lalake.
"Kinse po isa" sagot nong lalake.
"Sige po pabili ng dalawa"
"Ako rin po dalawa"
Tigdadalawa kami ng binili. Hindi kasi kasya yung isa sakin. Kumain muna kami ng balot sa tabi ng kalsada.
Meron din kaming kasamang kumakain sa tabi-tabi.
Grabe! Ang sarap!
Grabe ang paghigop ni Shine sa sabaw ng balot.
"Arrrhhhhh.. sarap!"
Tataba nanaman ako nito hahaha! kanina sa bahay nila Shine ang dami kong kinain tapos kakain nanaman kami mamaya sa tabi ng dagat.
Habang kumakain kami ng balot nag-uusap-usap muna kami.
"Magready kayo mamaya magnannight swimming tayo" sabi ni Shine sa amin.
"Oo naman syempre!"
Di kinalaunan may naalala si Shine.
"Ahhh! Alam kona! Mag sasamgyeopsal nalang tayo!" Padabog na salita ni Shine
"Saan naman tayo kukuha ng ganon?!" Tanong ko sa kanya.
"Edi sa bahay! Ipapadala ko nalang kay aling Nena mamaya kasama na yung mga pagkain na iluluto natin" sagot at paliwanag ni Shine.
Tapos na kaming kumain ng balot. Naglalakad na kami ngayon papunta sa hotel.
Pagkatapos ilang minuto naming paglalakad nandito na ako sa room ko. Tinawagan na ni Shine yung daddy niya para ipadala yung samgyeopsal.
Nagpalit ako ng damit at short.
Kulay puti ang aking damit samantalang ang short ko naman ay kulay itim na medyo maluwang
Baka kapag magshoshort ako ng masikip. Baka babakat yung ano?! Basta?! Tama yang nasa isip mo!
Basta wag kanalang maingay!
Tapos na akong mag palit lumabas na ako sa room ko.
Habang isinasarado ko yung pinto parang may tao sa likod ko. Dahan-dahan akong humarap.
Sino kaya nasa likod ko? Hallah! Baka manyak to!
Wala siyang damit nakashort lang siya mukhang magswiswimming din siya. Naka harap siya sa akin.
Napaatras ako sa gulat. May abs siya jusko! Nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko! Dahan-dahan akong tumingin sa taas para alamin kong sino siya.
"Bright?!" Pabigla kong salita.
To be continue...