Hahalikan sana ako kaso biglang gumana yung elevator. Nagulat kaming dalawa. Bumukas na yung pintuan ng elevator. Nadatnan kami ng tito ko na magkatabi ni Bright. Lumabas kaming dalawa ni Bright. "Anong ibig sabihin nito Tom?" Tanong ni tito. "Iba yung nasa isip mo tito....kaibigan ko lang siya" sagot ko sa kanya.
Napansin ni tito na naka suot ako ng jacket.
"Eh bakit suot-suot mo yung jacket niya?". May naka lagay kasing pangalan ni Bright sa jacket niya. Biglang sumagot si Bright.
"nilalamig po kase siya sa loob ng elevator"
"Oh.. siya sige nah! Eto kunin mona yung gamit mo sa kotse ko" sabi ni tito. Lumabas na kaming tatlo. Sinundan ko si tito habang si Bright naman ay pumunta sa seven eleven. Kinuha ko na yung gamit ko at pinunta ko sa loob.
Tinawagan ko si Shine para tulongan akong mag buhat ng gamit ko.
"Hello Shine...? Pumunta ka nga dito sa baba para tulungan mo akong mag buhat ng gamit ko"
"Ohh sige pupunta na kami diyan ni Frank"
Hinintay ko silang dalawa. Maya-maya andyan na sila. "Oh halikana Tom" tugon ni Shine sa akin. Binuhat nanamin ang gamit ko. Bubuhatin ko na sana yung bag na isa kaso kinuha ni Frank.
"Wag ka nalang mag buhat ako nalang" wika ni Frank sa akin.
Hindi makapag salita dahil nahihiya ako. Bakit pa kasi sinama ni Shine si Frank nakakahiya naman.
Makalipas ang isang minuto... nandito na kami sa loob ng condo ko. Hayyy sa wakas. Pagpasok ko palamang ng condo nagtanong-tanong nanaman sila kong anong nangyari sa elevator kanina. Aba-aba mga chismosa tong mga kaibigan ko.
"Tom anong nangyari kanina sa loob ng elevator nong nawalan ng kuryente?" Tanong nila. "Oo nga ano kayang nang yari?"
Tumawa silang tatlo maliban kay Frank.
"HAHAHAHAHA!"
Bakit kaya di siya sumasabay sa tawa. Malamang baka wala siyang mood ngayon.
"Sige pagtripan niyo ako...di ko kayo papahiraman ng damit?!" Sabi ko sa kanila.
Tumahimik silang lahat at tumigil sila sa pang-aasar sakin. Maya-maya binuksan nila yung TV.
"Uyyy! Magbihis muna kayo bago kayo manood" wika ko sa kanila.
Nauna si Shine. "Ako na mauuna!"
Binigay kona sa kanya yung damit na gagamitin niya. Pumunta na si Shine sa banyo.
Tinawag ko silang tatlo. "huyy! Halina kayo dito..... pumili na kayo ng susuotin niyo.
Lumapit sila maliban kay Frank. Pumili na si Lucas at Lance.
"Pumili na kayo ng gusto niyo" sabi ko sa kanilang dalawa.
Tinawag ni Lucas si Frank. "Frank?! Halika nah".
"Ahhh... Oo sige" sabi ni Frank.
Maya-maya lumapit na si Frank. Tumingin si Frank sa akin.
"Frank... pumili kana" tugon ko kay Frank. Pumili na si Frank ng isusuot niya.
Pumunta muna ako teris. Bitbit ko ang selpon ko at may kasamang earphone. Umupo ako habang pinakikinggan ko ang mga kantang paborito ko. Tumingin ako sa kalawakan at pinagmamasdan ang bituin. Ang ay nagniningning sa kalawakan. Naaalala ang mga nakaraan.
Di naliwayan na bumuhos ang ulan sa aking mata. Ramdam ang mga malulungkot na nakaraan.
Tokkk! Tokkk! Toookkk!
May kumatok sa pinto. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumingin ako sa pintuan. Binuksan niya ang pintuan at lumapit siya sa akin. Ang mga ngiti niya ay matamis na para bang asukal. Tumabi siya sa akin.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Frank.
"Aahhh... Hindi baka pagod lang ako"
Sagot ko sa kanya.
Hindi ko sinabi na lumuha ako. Tumingin si Frank sa kalawakan at minamasdan niya ang mga bituin.
"Ang ganda ng mga bituin"
"Oo...ang ganda"
Tumingin sakin si Frank. Tumingin rin ako sa kanya. Ang kanyang mga labi ay malambot. Ahhhh! Ano batong nangyayari sa akin.
Papalapit ng papalapit ang kanyang mukha. Pinikit ko ang aking mga mata. Hinalikan niya ako. Magkadikit ang aming mga labi. Nabigla ako...hallah... lumaki ang aking mga mata. Hinawakan ko ang kanyang balikat at tinulak ko siya. Hindi ko siya tinignan. Tumingin ako sa iba.
"Frank... hindi ito pwede"
"Pero..... Tom... mahal kita"
Nabigla ako sa sinabi niyang mahal niya daw ako. I'm confused na... hindi ko na siya crush pero... parang bumabalik yung pagmamahal ko sa kanya nung una palang kaming nagkakilala.
"Hahh?! Frank ok kalang ba?! Ako mahal mo?" Wika ko sa kanya.
"Totoo tong sinasabi ko Tom mahal talaga kita... nong una palang tayong nagkita mahal na kita ewan ko iba yung nararadaman ko sayo Tom..."
Hindi ko siya pinansin. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos nagsimula na akong magsalita.
"Ahhh... Frank sorryy pero... hindi tama to hanggang friend lang talaga ang tingin ko sayo. Hayaan mo Makakahanap karin ng magmamahal sayo ng totoo" sabi ko sa kanya.
Naguguluhan talaga ako. Alam ko na nasaktan ko siya sa sinabi ko. Pero mas mabuti nalang na humanap siya ng iba yung totoong magmamahal sa kanya. Oo alam ko na mahal ko siya noon pero noo yun pero hindi na ngayon.
"Oo Tom, naiintindihan kita alam ko naman na hanggang friend lang tayo. Tatanggapin ko yang desisyon mo"
"Mmmmmm..."
Biglang bumukas yung pintuhan. Tumingin kami...
"Hayyyy! Nandito pala kayo... ano na?! Sinong susunod na inyo?" Tanong ni Lucas.
Tumingin si Frank sa akin.
"Ahhh... ikaw nalang"
"Ahhh... ikaw nalang"
Sabay kaming nagsalita ni Frank.
"Ano ba talaga hayyy nako?!" Padabog na salita ni Lucas.
"Ahhh... mauna kana Frank susunod nalang ako" sabi ko kay Frank.
"Sigurado ka?"
"Oo sige na pumunta kana susunod nalang ako"
"Sige"
Pumasok na si Frank at Lucas.
Maya-maya pumasok narin ako... kinalimutan ko nalang nangyaring iyon.
Alas nuwebe na ng gabi. Nakaligo na kaming lahat. Humiga na ako katre. Habang ang aking mga kaibigan ay nakahiga sa sahig. Buti nalang may blanket sa kabinet. Kasiya sa dalawa ang katre.
"Kasiya pa isa dito ohhh? para hindi kayo mahirapan diyan"
"Ako nalang pupunta diyan Tom" sabi ni Lucas.
Pumunta na si Lucas sa tabi ko pero biglang sumingit Shine. Tinulak ni Shine si Lucas. Nahulog si Lucas sa baba.
"Arraaayyy!"
Buti nalang may foam nauntog sana si Lucas pag walang foam.
"Ako ang tatabi kay Tom huhhhh!"
"Edii ikaw na!" Sigaw ni Lucas.
Inirapan ni Shine si Lucas.
"Wag na kayong mag-away. Gusto niyo pagtabihin ko kayo eh. Ano??? Gusto niyo?!" Padabog kong salita sa kanila.
"Ako katabi yan chehhh!" Padabog na salita ni Shine.
Inirapan ni Lucas si Shine. Ang hilig nilang mag-away jusko!
Tumigil na silang nagsumbatan. Hayyy! Sa wakas matutulog narin kami. Pinatay na ni Lance yung TV.
(KINABUKASAN)
November 30,2020
6:00 na ng umaga. Gumising na ako at unti-unti akong bumangon. Hindi pa sila gising. Papunta ako ngayon sa CR para magtoothbrush at maghilamos ng aking mukha.
Tinignan ko yung mukha ko sa salamin. At naalala ko yung nangyari kagabi nong magkasama kami ni Frank.
"Hayyy! Buhay nga naman Tom... Bakit ba kasi pinanganak kang ganito"
Kinakausap ko yung sarili ko sa salamin. Ewan ko kong nababaliw na ata ako hahahaha.
Tookkk! Tokkk! Tokkk!
"Tommm!!! Andyan kaba sa loob?!" Sigaw ni Shine.
Ano kayang nangyayari sa babaeng ito.
"Oo bakit!!"
"Tapos kana ba??? Naiihi na kasi ako!"
Binuksan ko yung pinto at lumabas na ako. Sinara bigla ni Shine yung pinto ang lakas ng pagkasara.
Bagggg!!!!
Tinignan ko yung tatlo. Gising na silang tatlo.
"Ahhhh! Sino ba yung sumisigaw?" Tanong ni Lucas.
"Ahh.... si Shine naiihi na daw siya"
"Ganon ba talaga sigaw niya? para siyang nasunogan"
Bumukas na yung pinto ng CR.
"Hayyyy!! Sa wakas"
Guminhawa ang lagay ni Shine. Bumangon na silang lahat.
Makalipas ng ilang minuto nagpaalam na sila sa akin. Hindi na silang nag-almusal.
"Sigee! Tom tutuloy na kami"
"Bye"
"Sige... next time ulit" sabi ko sa kanila.
Nag-isip ako kong ano ang gagawin ko. Hindi nga pala ako nag-aalmusal. Mmmmm?... ano kaya pwede kong lutohin.
Alam kona magluluto ako ng paborito kong pagkain... sisig ahhhh!!!
Napag-isip-isip ko na gagawa ako ng sarili kong version sa paggawa ng sisig.
Lumabas na ako para bumili ng ingredients ng sisig.
Mother is calling...
"Hello mah goodmorning"
Masaya ako dahil tumawag si mama.
"Helloh anak goodmorning din... anong ginagawa mo anak"
"Ano mah... andito ako ngayon sa palengke bibili ng pagkain"
"Ohhh... nagalmusal ka naba?... hayyy nako anak sinasabi ko sayo magalmusal"
"Oo mah... don't worry... magluluto po ako ng sisig mah"
Nabigla si mama sa sinabi ko.
"Hahhh! Alam mo magluto anak?!" Padabog na salita ni mama.
"Oo naman mah hahaha!"
Andito ako ngayon sa tindaan ng karne. Nagpaalam na ako kay mama.
"Ohhh... sige na mah marami pa kase akong bibilhin bye mah love you"
"Sige nak love you too ingat"
Pinaba ko na yung linya. Bumili na ako ng karne. Tunanong ko kong mag kano isang kilo ng karne.
"Tita mag kano po isang kilo ng karne?"
"210 lang pogi"
Anong gusto mo tita bitay o baril. Tinawag pa akong pogi. Porket ganito na ako tatawagin pa niya akong pogi. Selfff kalma kalang....
"Sige tita isang kilo"
Iniabot na ni tita yung karne. Inabot ko narin yung bayad.
"Tita bayad po"
"Thank you pogi!"
Ahhh.... talagang inulit pa ni tita hahhh... umalis na ako. Hindi-hindi na talaga ako babalik dun kay tita. Bumili pa ako ng ibang ingredients.
30 minutes later
Nakompleto kona ang ingredients. Papunta ako ngayon sa condo ko. Malapit lang namn yung condo ko sa palengke kaya naglakad nalang ako.
Andito ako sa harap ng seven eleven. Napag-isip-isip kona naman na bibili ako ng ice cream... sakto panghimagas ko mamaya.
Pumasok na ako sa loob. Hhhmmmm... ano kayang flavor ang mas masarap... Cookies and cream or strawberry?.....
"Mas masarap yan... yang cookies and cream"
Tumingin ako sa likod... hahhh! Bakit andito si Bright. Hindi ko namayan na pumunta siya dito.
"Ahhh! Bright? Kailan ka pa nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Ahhh... kararating ko lang" sagot niya sa akin.
Nginitian ko nalang siya.
"Soo??? Ano pipiliin mo cookies and cream o yang strawberry?" Tanong ni Bright.
"I....kaw"
"Ano??"
"Ahhhh... wala itong cookies and cream nalang sabi mo mas masarap tohh"
"Ahhh ok"
Anong nangyayari sayo Tom?bati nalang di niya naintindihan yung sinabi ko. Ahhhh... kalma self...
Kumuha rin ng ice cream si Bright. Pumunta na ako sa casher. Nabayaran ko na yung ice cream.
Papalabas na ako ngayon. Lumabas narin si Bright.
"Well? Pupunta ka na ngayon sa condo mo?" Tanong ni Bright sa akin.
"Ahhh... Oo" sagot ko sa kanya.
"Sabay na tayo" nakita ni Bright na may bitbit akong marami. "Akin nayan para di ka mahirapan"
"Ahhh... hindi ok lang... kaya ko naman eh"
"Sige na... wag kanang mahiya" kinuha ni Bright yung bitbit ko.
Naglakad na kami papunta condo. Wala naman akong magagawa kaya binigay ko nalang.
Andito na kami sa second floor. Magkaharap lang naman yung condo namin. Binigay na ni Bright yung bitbit ko kanina. Nagpasalamat ako sa kanya.
"Ahhh... salamat" sabay ngiti sa kanya.
"Walang anuman yun...Sige tuloy na ako"
Nagpaalam narin si Bright sa akin.
Pumasok narin ako sa condo ko.
Nakangiti ako pamuntang kusina. Di ko akalain na makikita ko nanaman su Bright kanina.
Nagsimula na akong magluto ng sisig.
Makalipas ang ilang oras. Luto narin ang sisig.
Tokkk! Tokkk! Tokkk!
May kumakatok sa pinto. Sino kaya yun? Wala namang tumawag sakin na may dadating... binuksan ko yung pintuan...
Di ko aakalain na pupunta si mama at yung tarantado kong kapatid sa condo ko...
"Ohhh... mah? Napabisita kayo?"
"Oo nak sabi ko sa kapatid mo dadaan muna kami dito bago kami pupunta sa mall"
Tumingin si mama sa loob ng bahay pati yung kapaamtid ko.
"Wooowwww! Mah pwede dito narin ako titira?" Sabi ng kapatid ko
"Tumahimik ka!" Sigaw ko sa kapatid ko.
"Ano? Dito ka titira baka nakakalimutan mo na wala akong kasama sa bahay?"
Inirapan ko yung kapatid ko. Ang epal -epal kala niya naman makakapagtapos ng pag-aaral. At tsaka anong gagawin niya dito? Hindi niya nga malinisan yung kuwarto niya dito pa kaya.... hayyyy!
"Ayy teka...Kumain ka naba anak?" Tanong ni mama.
"Kakain na sana ako kaso dumating kayo" sagot ko kay mama.
Nagpaalam na si mama at yung kapatid kong tarantado.
"Ohhh... sige sige na anak kumain kana tutuloy na kami"
"Sige mah mag-ingat kayo"
"Ikaw anak"
Hinatid ko sila hanggang sa baba. Makalipas ang ilang minuto nandito na ako sa condo ko. Hinanda ko na sa lamesa ang linuto kong sisig.
Napag-isip-isip ko na gusto kong bigyan si Bright ng sisig. Pero nahihiya ako baka di niya magustohan ang luto ko. Dibale kakapalan ko nalang yung mukha ko.
Kumuha ako ng container at linigyan ko ng sisig. Inayos ko muna yung sarili ko tumingin ako sa salamin.
"Kalma self... kaya mo yan hayyyy!"
Pumunta na ako sa condo ni Bright.
Tokkk! Tokk! Tokk!
Bright...? Andyan ka ba?
Sa totoo lang kinakahan ako...baka di niya kukunin yung sisig.
(Bumukas yung pinto)
"Ahhhh.."
Binuksan ni Bright yung pinto pangtingin ko sa kanya. Hallahh.. bakit may....
(Next chapter)