Inuna nyang basahin ang message ni Nene. “Nel, ingat-ingat muna tayo, parang nakakahalata na ang hipag ko sa madalas kong pag-alis-alis. Lay low muna tayo. Titiisin kong hindi muna tayo magkita ng madalas. Text na lang kita pag libre tayong magkita. Tsuppp! I love you,” nabasa nya na text ng kasera. Napangiti si Arnel. Parang umaayon sa kanya ang pagkakataon. Masyadong agresibo si Nene. Halos araw-araw ay inaabangan siya nito paglabas nya sa trabaho, Pag may regla lang yata ito natitigil ng ka-aabang sa kanya. Naging pamilyar na sila sa sagingan. Doon nila madalas idaos ang pagpapaalpas ng init ng kanilang katawan. “Ok lang, text ka lang. Muah!” text back nya naman sa kasera. Ang message naman ni Len-len ang sumunod nyang binasa. “Hon, miss na kita, pero busy ako at malapit na ang gra

