Ang buhay ay parang ganti-ganti lang. Yung ginagawa mo sa kapwa mo ay pwede ring gawin sa’yo ng iba. Kaya mahalaga yung sinasabi ng golden rule na, “Do unto others what thou want others would do unto you.” Sa isang salita; wag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa’yo. Sa Maynila, habang nagpapasasa si Teody at si Nene sa sarap na dulot ng bawal na pagniniig sa Davao ay narito naman si Rene at pansamantalang nanunuluyan sa isang bayan sa Bulacan na itinuturing nang sakop ng Greater Manila Area. Araw ng Linggo noon at kasalukuyan siyang nasa terrace ng bahay ng kanyang nakakatandang kapatid na babae at nagbabasa ng dyaryo nang matannawan nya ang pagpasok sa nakabukas na tarangkahan sa di kalayuan. “Magandang umaga po,” magalang na bati sa kanya ng bagong dating. “Nandyan po ba

