"YOU'RE DRUNK LAST night."
Inaantok na binalingan ni Ana si Zian na kasalukuyang nakahiga sa sarili nitong kama. Nakaupo naman siya sa kama niya habang sapo ang ulo na bahagyang kumikirot.
"I know," mahina niyang sabi saka nagpakawala nang sunod-sunod na hangin sa bibig.
"And you told something to me that has been stuck in my head." Umupo sa Zian, paharap sa kaniya.
Kaagad na nangunot ang noo ni Ana nang marinig niya iyon mula sa kaibigan. Anong sinabi niya rito? Bigla siyang kinabahan nang maisip iyong pag-uusap nila ng mommy niya. Nasabi niya ba rito na ikakasal siya sa isang lalaki? s**t! She shouldn't tell that. Ang plano niya'y siya lang ang makakaalam noon. She wants to hurt herself, but she couldn't. Baka mamaya ay masabihan pa siyang baliw ni Zian.
"A-Anong sinabi k-ko?" kinakabahan niyang tanong.
Zian smiled and looked at her crazily. "Sinabi mo lang naman sa akin na gusto ng mommy mo na pakasalan ang isang lalaki. When I asked you what was your answer, you just said like, I-I agre— then you fell. Totoo ba iyan, Ana? Pumayag ka agad? Kilala mo ba ang lalaki? If so, then who is he? Is he a good person? Kaya ka ba niyang alagaan o mahalin?" Bahagyang sumama ang tingin ng kaibigan sa kaniya.
Napayuko siya at lumunok ng laway. "I don't have choice, Zian. Papakasalan ko na si Samael and the wedding will happen in three months. Ayaw ko kasing ma-disappoint ang mommy ko sa akin kaya pumayag ako kahit ayaw ko naman talaga. My mommy told me Samael is a good person and he could love and take care of me..." Inangat niya ang ulo rito at nakita ang malaking kunot sa noo ng kaibigan. "Ni hindi ko siya kilala o mahal..." dugtong niya.
"Why did you agree, Ana? Dapat kinilala mo muna iyang Samael na iyan bago ka pumayag na pakasalan siya. Nakakainis ka, Ana! Hindi ka dapat pumayag agad. Kung ako sa iyo, kikilalanin ko muna siya. Sabi mo, hindi mo siya kilala that's why I'm sure you didn't even see his face."
"Gusto ko siyang kilalanin pero sabi ni mommy, sa kasal na raw namin. I don't know, Zian. Alam kong ang tanga ko pero wala, e, mataas ang expectation ni mommy sa akin. Pati naintindihan ko naman siya. Malapit nang nawala sa kalendaryo ang edad ko kaya baka ito na ang tamang panahon na maikasal ak—"
Biglang sumingit si Zian.
"Maikasal sa lalaking hindi mo naman kilala at mahal? I know the feeling even though I didn't experience that. Mas masarap pa ring magpakasal sa lalaking mahal mo at kilala mo. What your mother did is forced marriage."
"You're right, Zian. Pero hindi na maibabalik ang oras. Bahala na. Basta't mabait lang iyong lalaki, ayos na sa akin. Baka dadating ang panahon na matutuhan ko siyang mahalin," nakangiti niyang tanong pero ang totoo'y pilit lang iyon dahil ayaw niyang makita ang kaibigan na malungkot siya.
"Ano ba ang buo niyang pangalan?"
"Hindi ko alam. Pero Samael lang ang alam ko, e. I'll try to search his name on social medias at baka roon, makilala ko siya."
"Susubukan ko rin, Ana."
Tumango lang siya at nagligpit na nang hinigaan nila. Mayamaya pa ay dumating ang mommy ni Zian at inaya sila nito na bumaba na para sa breakfast. Sabay silang tumango at tinapos muna ang ginagawa. Nang matapos, bumaba na rin sila. Tahimik lang na nag-umagahan si Ana dahil wala siya sa mood. Matapos kumain, binigyan siya ng mommy ni Zian ng painkiller para mawala ang pangingirot ng ulo niya. Nawala na rin iyon kaagad. Nag-stay pa silang dalawa ni Zian ng kalahating oras bago nila napagdesisyunang bumalik sa Manila. Iyong magulang at kapatid ni Zian ay naiwan dahil mamamasyal pa ang mga ito. Ayaw sumama ni Zian dahil hindi nito hilig ang ganoon.
"Tell me kapag nakita mo na ang mukha ng lalaking iyon, ha? I wanna know who is he."
"I will. Sige na, bababa na ako," tugon ni Ana kay Zian.
Nagbeso pa silang dalawa bago siya bumaba sa van ng kaibigan. Hinintay niya munang makaalis ito bago nagpatiuna na papasok sa bahay niya. Ngunit bigla na lang siyang natigilan nang makitang may dalawang sasakyan na nakatigil sa harap ng bahay niya. Nangunot ang noo niya. Iyong isa'y pamilyar, kung hindi siya nagkakamali, kotse ito ng mommy niya. Iyong isa, hindi niya alam kung kanino. Binalingan niya ang pinto at nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakaawang ito. Dahil doon, nagtatakbo siya papasok. Medyo natakot siya. Pero baka nandito ang mommy niya dahil binigyan niya ito ng isa pang susi kaya kapag wala pa siya, makakapasok ito. Nang makapasok sa loob, kaagad niyang dinako ang salas at napaamang siya nang may makitang tatlong bulto ng tao. Isa ay mommy niya, iyong dalawa ay hindi niya kilala. Pero iyong isang babae ay parang kaedaran lang ng mommy niya at iyong isa'y parang kaedaran niya. Sino ang mga kasama ng mommy niya? Dahil sa pagtataka, lumapit siya.
"Ana, you're here."
"Mommy, who are they?" nagtataka niyang tanong nang makalapit sa mga ito.
"Hija, hindi mo pa ba ako kilala?" Tumayo ang matandang katabi ng mommy niya at lumapit sa kaniya. She took her hands and massaged it slowly. "If not, then let me introduce yourself. I am Daniella Buenaventura, the mother of your soon-to-be husband," nakangiting sabi nito saka siya niyakap.
Wala siyang imik ng mga oras na iyon. Mayamaya pa ay humiwalay na rin ito sa kaniya at pinakatitigan ang mukha niya.
"May dumi po ba sa mukha ko?" nakangiwi niyang tanong.
"Wala naman, hija. I just found out na talagang maganda ka. Your skin is so beautiful same as your face. For sure, my son will like you."
"Ano po bang hitsura ni Samael?" bigla niyang tanong.
Wala siyang ideya kung bakit niya natanong ang bagay na iyon pero kuryos talaga siya sa hitsura ng lalaki. Hindi naman siya maarte, gusto lang niya talagang malaman kung ano histura nito.
Mahinang tumawa ang ginang. "Hija, my soon-to-be manugang, ano bang klaseng tanong iyan? To answer your question, Samael is handsome. Kapag naging kayo, naku, maraming maiinggit na mga babae. Guwapo ang anak ko, Ana kaya hindi ka madi-disappoint kapag nakita mo ang mukha niya."
"Ganoon po ba? Sorry po kung natanong ko, I-I'm just curious."
"It's fine, hija. Nga pala, we came here to choose what dress you would wear in your wedding. Nandito si Angel, she's a dressmaker."
"Hello po," aniya sa babae.
"Hi, Ms. Aguilar. I am Angel and nice to meet you. So, here are the lists of the dresses you can choose to wear in your wedding."
Tumayo ito at inabutan siya brochure. Kinuha niya iyon at tiningnan. Ang daming mga dress, iba't-ibang kulay pero mahal nga lang.
"Tara sa swimming pool area, doon natin pag-usapan ang susuutin ng anak ko," sabi ng mommy niya.
Napatango lang siya at sumunod na sa mga ito. Nagpahuli siya dahil bahagya siyang kinakabahan. Parang mahihimatay siya sa hindi niya malamang dahilan. Parang bukas na gaganapin ang kasal kahit matagal pa. Well, baka gusto nila na well-prepared. But for Ana, she just wants a simple wedding. Kung tatanungin siya, gusto niya ay sa beach o sa ibabaw ng bundok para masaya naman.
UMABOT NG HALOS dalawang oras ang pagpili ni Ana dahil iyong gusto niya, tinututulan ng magiging biyenan niya. Kaya naman hindi niya gusto ang pinili nito. Siya ba ang ikakasal? Hindi naman, 'di ba? She's not in the mood right now. She has a work this day, but she cancelled all her appointments dahil sa inis. Bukas, babalik ulit ang mommy niya kasama ang biyenan niya rito sa bahay niya dahil pag-uusapan naman ang plano sa kasal, kung anong theme, kung saan gaganapin, at kung ano-ano pa.
"I'm really sorry, Mrs. Corpuz, hindi ko po maayusan ang anak niyo. May problema lang po kasi ako," ani Ana sa kausap sa kabilang linya.
"Ano ba naman iyan, Ana? Sana kahapon mo pa sinabi para hindi na kita hinintay pa. Birthday ng anak ko, today is her 18th birthday and I wanted her to look beautiful and I know you could only do that to her!"
"Pasensya na talaga. May kilala po akong ibang make-up artist, puwede ko po kayong i-recomme—"
"Huwag na, maghahanap na lang ako ng iba. Sa susunod, bago ka magkaproblema, isipin mo muna iyong appointents mo. Baka mawalan na ng tiwala ang mga tao sa iyo!" Then Mrs. Corpuz ended the line.
Ana heaved a deep sigh. So, bakit parang kasalanan niya pa? Kung alam lang nito ang problema niya, baka naintindihan nito. May dalawa pa siyang kliyente at kaagad niyang kinontak ang mga ito para hindi siya bungangaan. Nakausap niya nang maayos ang mga ito na ikinahinga niya nang maluwag. Wala na siyang kailangang ikabahala dahil lahat ng appointments niya ngayong araw ay wala na.
Nagtungo si Ana sa kaniyang kuwarto para matulog dahil iyong totoo'y kulang na kulang siya sa tulog. Nang makapasok sa kuwarto niya, kaagad niyang tinungo ang kama ngunit hihiga na sana siya nang makita niya ang laptop niya. Bigla siyang may naisip. Kinuha niya iyon, ipinatong sa kama, at dumapa roon. She opened her laptop and went on Google and search Samael's full name. Samael Buenaventura ang nilagay niya. Nag-scroll siya nang nag-scroll pero halos lahat ay hindi tugma rito. May nakikita siyang mga picture pero matatanda naman. As what her mother told her, he's handsome. Baka wala itong social medias kaya walang lumalabas. She's about to close the laptop when something caught her attention. Sa may bandang unahan, may nakita siya.
'Who is Samael Damon Buenaventura?'
Damon? Nangunot ang noo niya at pinindot iyon. Napunta siya sa isang article na kung saan ay may larawan ng isang matandang lalaki at... at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kaibigan ng mommy niya. Iyong matandang lalaki at iyon ay magkatabi. Nagtaka na siya kaya binasa niya ang article. Habang tumatagal, nagkakaroon ng kaalaman ang utak niya. Asawa pala ng kaibigan ng mommy niya ang katabi nitong matandang lalaki. It's Samuel na kakamatay lang. Ngunit natigilan siya nang may mabasa na kung saan ay nandoon ang pangalan ng papakasalan niyang lalaki. Ito nga ba ito o sadyang kapangalan lang?
'Samael Damon Buenavista is the new CEO of Blue Bird Publishing house wherein he inherited it through inheritance from his late father, Samuel Buenavista, the former CEO of BB Publishing. Samael Damom Buenavista is a very private person and he wants to be alone every time. Her mother spoke about him that Samael is a good son and he is really an ideal man.'
"Wow!" manghang sabi ni Ana matapos basahin iyon.
Totoo kayang mabuting anak ito at ideal man? If so, then she's excited to see him. Hindi pa siya kuntento. She also search the Blue Bird Publishing and Google says na ito raw ang pinakamalaking publishing company sa bansa. Nabanggit dito na si Samael ang bagong CEO pero wala namang larawan nito. Baka nga tama iyong nabasa niya na private na tao ito. May mga nababasa siya na guwapo ito, matangkad, mabango, at iba pa. Halos perpekto nga raw ito na hindi niya pinaniwalaan. Bakit naman siya maniniwala? Maniniwala lang siya kapag nakita na niya ito sa personal.
Tiniklop na ni Ana ang kaniyang laptop at pabagsak na humiga sa kama. Nakaramdam siya ng antok kaya naman naisipan niyang matulog. After almost one minute, nilamon na siya ng kadiliman.
"s**t!" SINGHAL NI Samael nang maibuga niya ang kape na nasa kaniyang bibig. "Who the f**k made my coffee?" Binalingan niya ang dalawang kasambahay na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya.
"A-Ako po, Sir. Samael," sagot ni Maria, ang bago nilang kasambahay na halos kaedaran niya yata.
"Alam mo ba ang ginagawa mo? Sobrang tamis ng kapeng tinimpla mo sa akin!" sigaw niya saka sinamaan ito ng tingin. "Ubusin mo ito! Hindi ba sinabi sa iyo ni Manang Lucy na kalahating kutsara lang ng asukal ang dapat ilagay sa kape ko? Are you stupid?!" dagdag niya pa.
"S-Sorry po, Sir. Samael. Hindi ko po sinasadya. Sandali lang po kasi akong lu—"
"I don't need your explanation. I want you to drink this coffee and make me another one. If you fail again, papatalsikin kita!"
"O-Opo, Sir. Samael."
Dali-daling lumapit si Maria sa kaniya at kinuha ang kape niyang tinimpla nito. Why would he drink that kind of coffee? Bibigyan lang siya nito ng sakit. Ayaw niya pang mamatay kaya pinoprotektahan niya ang sarili niya tapos ang ganitong tao lang ang makakasira ng kalusugan niya? Hell no! Ayaw niya iyong tanga. Ngayon, nagpipigil pa lang siya.
Nang maubos ni Maria ang kape niya, gumawa na ito ng bago. Sinunod na siya nito, ayos na ang kape niya. Hindi matabang, hindi rin matamis. Matapos niyang mag-agahan, lumabas na siya ng kusina para magtrabaho na. Siya ang bagong CEO ng Blue Bird Publishing, isa ito sa pinakamalaking publishing company sa bansa. Naiwan ito ng daddy niyang namatay dahil sa sakit sa puso. He promised him he would take care of his company at hindi nito ito bibiguin.
"Are you going to work?"
Natigilan siya nang marinig ang boses ng mommy niya. Nakita niyang naglalakad ito patungo sa kaniya.
"Y-Yes. Where have you been? I asked Manang Lucy, she didn't even know where did you go."
"Pumunta ako sa bahay ni Ana."
"Anong ginawa mo roon?"
"I talked to her, Samael. We already chose her gown. I'm so excited, anak. I can't wait na maikasal na kayong dalawa."
"That's a good news, mommy. Tinanong niya ba ako?"
"Yes! Tinanong lang naman niya kung ano ang hitsura mo. Sabi ko, guwapo ka. She looks excited to see you."
Napangiti nang malapad si Samael. At first, hindi niya gusto ang plano ng mommy niya na ikasal siya sa babaeng hindi niya kilala. But when he saw her face, damn, gusto na niyang pakasalan ito. Hindi niya alam, pero parang na-love at first sight siya rito. And he became possessive, no once can touch his woman. He's excited to marry Anastasia, he will do everything, mahalin din siya nito.
"ARE YOU OKAY? You look tired."
Napatingin si Ana kay Zian. Kasalukuyan silang naglalakad sa park. Again, she cancelled her appointments kaya marami ang nagalit sa kaniya. Hindi niya talaga feel ang magtrabaho. Habang palapit nang palapit ang kasal, kinakabahan siya at natatakot din at the same time.
"No, I am okay, you don't need to worry about me," nakangiti niyang sabi rito.
"Are you sure? Puwede ka namang magpahinga muna, e. Huwag ka munang mag-isip, lalo kang mapapagod. Nga pala, anong petsa ng kasal niyo?"
"August 10," tipid niyang tugon.
"Malayo pa pala pero bakit parang ura-urada ang mommy mo at iyong mommy ni Samael? Sabi mo, nakapili na kahapon ng damit tapos kanina, nakapili na rin ng theme ng kasal niyo."
"Mas maganda raw kasi kapag prepared. Hinahayaan ko na lang sila. Bukas, pag-uusapan naman namin kung saan kami ikakasal. Pero kung ako ang magdedesisyon, mas gusto ko ang beach wedding."
"Okay na ba sa iyo na ikasal ka?" tanong ni Zian.
Bumuntong-hininga siya. "Wala na akong magagawa kaya tinanggap ko na lang. Kahit ayaw ko, magpapakasal pa rin ako."
"Hindi mo pa ba nakikita si Samael?"
"Hindi pa pero sabi ng mommy niya, guwapo raw ito. I searched him yesterday at doon, may lumabas na isang article. CEO pala siya ng malaking publishing company sa bansa at may nakalagay din doon na private na tao ito. Well, pribado nga kasi ni isang picture niya, wala akong nakita. But the way he describe by his mother, parang maayos naman itong lalaki."
"So, okay na sa iyo na pakasalan siya?"
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang kaibigan. "Oo. Papakasalan ko na siya sa ayaw at gusto ko. Bahala na ang magiging kapalaran ko sa kaniya. Basta ako, magiging mabuting asawa sa kaniya."
"Sana'y maging mabuti rin siyang asawa sa iyo, no para fair. Huwag sanang bayolente ang lalaking iyon dahil kapag ganoon siya, naku, pasesyahan na lang dahil baka masampal ko siya. You don't deserve an abusive, arrogant, or whatsoever husband. Basta ako, I'm praying na hindi maging miserable ang buhay mo sa kaniya," nakangiting wika ni Zian.
"Hindi naman siguro siya ganiyan. Nga pala, puwede ka bang maging isa sa mga bridesmaid ko?"
"Why not? We're friends, right? Ano pa ang pagkakaibigan natin kung hindi natin mapagbibigyan ang isa't-isa?"
"Thank you, Zian," wika niya saka niyakap ito.
Hindi na umimik pa si Zian, niyakap lang siya nito pabalik. Matapos ang yakapang iyon, nagpatuloy na sila sa pamamasyal sa park dahil gawain nila ito bilang magkaibigan. Matapos mamasyal, nagkaniya-kaniya na sila. Si Ana ay umuwi sa kaniyang bahay samantalang si Zian naman ay dumiretso sa kumpanya ng daddy nito. Pagod siyang umupo sa sofa at tumingala.
Kahapon, minuto-minuto siyang nanalangin sa may taas na sana'y maging mabait si Samael sa kaniya. At kung mahalin man niya ito, sana'y matutuhan din siya nitong mahalin. Gusto lang niyang simple ang buhay niya, iyong walang iniisip na problema. At nawa'y maging masaya siya sa mga kamay nito. Habang lumilipas ang araw, palapit nang palapit ang araw ng kasal nila. Para bukas na gaganapin dahil itong puso niya, halos matanggal na sa dibdib niya dahil sa kaba.