V1 - Chapter 46

2244 Words
‘Where there is no imagination, there is no horror.’ – (Sherlock Holmes) Arthur Conan Doyle -Third Person’s POV- “Nasaan na ang pera namin? Saan mo tinago?” at nag-umpisa na ang lalaki na pumasok sa mga kwarto ng biktima. “Ano bang ginagawa mo! ‘Wag kang pumasok d’yan! Umalis ka na rito!” sigaw naman ng matanda habang pilit na pinapaalis ang lalaki na tuluyan nang nakapasok sa kanyang kwarto. Nang makapasok naman ang matanda at ang lalaki sa kwarto ay ginamit ‘yon na pagkakataon nina Detective Portman upang tuluyan na makapasok sa loob. Pagbukas ng pinto ay sabay-sabay silang napatigil ng bumungad sa kanila ang mas maalingasaw na amoy ng mga basura. “Anong amoy ba ‘yon? Napakabaho?” reklamo ni Detective Raynolds habang nakatakip ang kanyang ilong. “By the way, team leader, napansin mo ba ‘yon, kahit na nagbabanta ‘yong lalaki ay parang kinakabahan siya at natatakot.” Napatango naman ang detective dahil maski siya ay napansin ang kilos at tono ng lalaki. Kahit na nakatutok sa direksyon ng matanda ang kutsilyo ay may distansya pa rin sa kanilang dalawa. At kapag humahakbang papalapit sa lalaki ang matanda ay umaatras naman ang lalaki. Kung may plano man ang lalaki na atakihin ang matanda ay dapat na mas matapang at mas desidido pa ang kanyang boses. “Ibalik mo na kasi ‘yong pera namin. Saan mo dinala ‘yong pera namin!” “Lumabas ka na! Umalis ka na rito!” “Bitawan mo ako ano ba!” sigaw ng lalaki at itinulak papalayo ang matanda. Natumba naman palabas ng kwarto ang matanda kaya malayang nakagalaw ang lalaki at ipinagpatuloy ang pagkalkal sa kwarto nito. “Tang*na, saan mo ba kasi dinala ‘yong pera namin?” Kaagad namang nakatayo ang matanda kaya mabilis itong dumampot ng mga plastic na bote at ibinato sa lalaki. “Umalis ka rito! Umalis ka sa bahay ko!” Nang dahil sa ginawa nito ay mas lalo namang nainis ang lalaki kaya muling itinulak ang matanda at umamba na sasaktan ito. Ngunit bago pa siya tuluyang makagalaw ay mabilis na tumakbo si Detective Portman papasok sa kwarto at sinugod ang lalaki. “Aray ko. Sino ka ba? Anong ginagawa mo rito?” tanong sa kanya ng lalaki at mabilis siyang sinugod. Nakaiwas naman kaagad ang detective sa suntok nito kaya siniko niya sa sikmura ang lalaki at dinala ang kamay papunta sa likuran nito. Dahil sa sakit na naramdaman, nabitawan naman ng lalaki ang kutsilyo na hawak niya. Mabilis na inagaw ni Detective Portman ang kutsilyo palayo sa lalaki ng bigla siyang may mapansin dito. “Ano ‘to?” at mas tinitigan niya pa ito. “Loko ka!” wika niya ng mapansin na peke pala ang hawak nitong kutsilyo. At hindi rin talaga nito sinaksak ang sarili dahil pekeng dugo lang ang nasa kamay niya. Ito rin ang dahilan kung bakit parang kinakabahan ang lalaki, dahil baka mapansin ng matanda na hindi totoong kutsilyo ang kanyang dala. “Basilio Lopez, you are under arrest for trespassing and threatening. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court law,” wika ni Detective Portman at nilagyan na ng posas ang lalaki. “Sandali naman, boss, hindi ko naman talaga balak saktan—“ “Manahimik ka!” putol sa kanya ng detective. “Detective Portman, speaking, the Berinaris Street incident has been resolved. Sakto namang kapapasok lang nina Detective Raynolds. “Team leader, kailangan ng ambulasya?” “No need. He faked it. Hindi ‘yan totoong dugo,” sagot nito. “Ilabas na ‘to,” he said at itinayo na nila ang lalaki. Binatukan naman ni Detective Raynolds ang lalaki ng makalapit sa kanya. “Siraulo ka.” “Sandali naman, sir. Hindi gano’n ‘yon. Hayaan niyo muna akong magpaliwanag.” “Tumigil ka na. kung tinuluyan mo ‘yong matanda ay paniguradong mas tatagal ka sa presinto. Kaya umayos ka,” Detective Raynolds said. “Detective naman eh, pakinggan mo muna kasi ako,” at napaupo na sa sahig ang lalaki habang umiiyak. “Hindi naman kasi gano’n ‘yon.” Dahil sa ingay ay hinayaan na ni Detective Portman ang lalaki. “Sige, ano ba ‘yon. Magsalita ka, anong gusto mong sabihin?” “Hindi ko naman ginustong mangyari ‘to,” paliwanag nito at mas lalong umiyak. “Dahil sa matanda na ‘yan natanggal ako sa trabaho. Anong gagawin ko? ‘Yon lang ang kabuhayan ko. Sinabi niya na puro paglalasing lang ang ginagawa ko at kung ano-ano pang paninira. Alam ko naman na may karapatan ang mga landlord, pero pagkatapos kong matanggal sa trabaho sinisingil niya ako ng mas malaking renta!” “P’wede ka naman maghanap ng iba pang trabaho o kaya lumipat ng bahay,” kumento ni Detective Portman para lang manahimik na ang lalaki. “Hindi nga, sir. Ito na ang pinakamura sa lugar na ‘to. Sinabi ko sa kanya na magbabayad ako kapag nakahanap ako ng trabaho. Kahit siya ang dahilan kung bakit wala akong trabaho pinalagpas ko pa rin, pero simula no’n lagi na niya akong ginugulo.” “Sige, okay, naiintindihan ko. Tumayo ka na r’yan at pag-usapan natin ang lahat,” pag-aamo ni Detective Raynolds sa lalaki. “Sige na, dalhin na ‘yan.” “Sandali! Sandali naman kasi! Sir! Hindi naman kasi kayo nakikinig sa akin, seryoso nga ako! Salbahe ‘yang matanda na ‘yan!” “Ma’am kailangan mo ring sumama para makapag-file ka ng reklamo,” Detective Portman said to the elderly. Bigla naman siyang hinarap ng matanda at sinigawan. “Hindi! Ayoko! Bakit ako sasama sa inyo?” “Ma’am kailangan ang salaysay mo tungkol dito sa kaso dahil ikaw ang biktima—“ natigil sa pagsasalita si Detective Portman ng may maamoy siya na kakaiba sa paligid. “Detective Raynolds, halika rito,” tawag niya sa kasamahan. “Bakit, team leader?” tanong nito ng makalapit. “Amuyin mo ‘yong paligid. Sa bungad ng bahay, amoy basura pero pagdating dito sa loob ay parang amoy zonrox,” bulong nito. Inamoy naman ni Detective Raynolds ang paligid “Oh! Right. Amoy zonrox nga. Parang amoy chlorine,” bulong naman nito pabalik. Dahil nakakaramdam ng kakaiba si Detective Portman ay kaagad niyang tinawagan mula sa earpiece ang mga kasamahan na naiwan sa presinto. “Detective Angeles, parang may mali sa lugar na ‘to. It’s a bit suspicious. Can you look into Lilia Casas?” “Yes, team leader. Give me a minute.” Mabilis naman na kumilos si Detective Angeles upang maghanap ng karagdagang impormasyon pero wala na siyan nahanap na kakaiba rito. Malinis ang record nito bukod sa ilang reklamo na mahilig nga itong magsugal. “Team leader, tinignan ko ‘yong criminal record niya pero wala namang kakaiba. Maayos at malinis ang lahat.” “Gano’n ba? Okay, babalik na kami r’yan.” Kahit na medyo naghihinala pa rin ay nag-asikaso na sila para maihatid sa presinto ang lalaki. Ngunit lalapit pa lang sila ay nakapalag na ito sa dalawang pulis na nakahawak sa kanya at tumakbo papasok sa kwarto ng matanda kahit na nakaposas ang dalawang kamay. “Hay, ang pasaway talaga nito. Detective Raynolds, get him,” sumunod naman si detective sa lalaki papasok ng kwarto. “Hindi. Hindi ako p’wedeng umalis hangga’t hindi ko nakukuha ang pera ko!” paulit-ulit na wika nito habang kinakalkal ang mga gamit ng matanda. Kahit na nakaposas ay hindi ‘yon naging hadlang para buksan niya ang mga drawer. Akmang bubuksan na sana niya ang paarador nito pero napatigil siya ng mapansin na parang may nakatingin sa kanya. Tinitigan niya itong mabuti pero napaupo na siya dala ng takot. Pumasok naman si Detective Raynolds at naabutan siya na nakaupo sa sahig na takot na takot. “Ikaw, pahirap ka na. Ano na namang problema mo?” “S-sa aparador. May n-nakita akong mata. M-may mata! May nakatingin sa akin!” Itinayo naman ni Detective Raynolds ang lalaki at ipinahawak sa mga pulis. “Kung paulit-ulit kang gaganyan lalong madadagdagan ang kaso mo.” “Sir, hindi ako nagsisinungaling. T-totoo ang sinasabi ko. May nakatingin! May mata! Nakita ko!” Pumasok naman na sa kwarto si Detective Portman para makita ang nangyayari. Bakas sa boses ng lalaki ang takot kaya naman tinignan din ni Detective Portman ang aparador at wala naman siyang napansin na kakaiba. Ngunit hindi nakuntento ang detective kaya nagpasya siya na buksan ang aparador. Habang nakatayo naman sa pinto ang hindi mapakaling matanda. Nang mabuksan ang aparador ay lahat sila ay nagulat ng biglan may bumagsak na kung anong bagay mula rito. Pero nang tignan nilang mabuti ay hindi pala ito simpleng bagay lang kung hindi isang katawan. Katawan ng patay na tao na nakabalit sa plastic. Lalo namang nagsisigaw sa takot ang lalaki habang natulala na lang sa pinto ang matanda. Hindi naman makapaniwala ang mga pulis sa kanilang nakita. At dahil nakataob ang bangkay mula sa pagkakabagsak ay pinagtulungan nina Detective Portman at Detective Raynolds na baliktarin ito. At tumambad sa kanila ang dilat matang wala nang buhay na babae. “What the hell!” nasabi na lamang ni Detective Raynolds. “Detective Portman, speaking, we found a dead woman in the closet of Lilia Casas here in Berninas Street. She looks like she’s in late 30’s, she is a bit over 160 centimeter and has a fracture in her head and stab in the stomach. I assume this is death cause by violence. Call forensic team!” Mabilis naman na hinawakan ng dalawang pulis na nakaabang ang matanda na natayo pa rin sa may pintuan ng kwarto. Bumaling naman sa kanya si Detective Portman na galit na galit. “Sino ‘to? Sino ‘tong babae na ‘to? Bakit siya nandito sa bahay mo?” sunod-sunod nitong tanong. “Hindi ko alam. Wala akong alam. Hindi ko alam ang sinasabi mo,” pagmamaang-maangan ng matanda. Tinignan muna ni Detective Portman ang bangkay ng babae bago lumapit sa matanda. “Sino ‘tong babae na ‘to? Bakit siya nandito? Magsalita ka!” “Hindi ko alam. Wala akong alam. Hindi ko alam ang sinasabi mo,” paulit-ulit nitong sinasabi. Abala naman si Detective Raynolds sa paghahanap ng posibleng murder weapon ng mapansin niya ang sugat sa ulo ng biktima. “Team leader, tignan mo ‘to!” sigaw ni Detective Raynolds ng makita ang hinahanap. “Keep holding her,” bilin naman ni Detective Portman sa dalawang pulis saka muling pumasok ng kwarto. Nang makalapit ay kaagad na ipinakita ni Detective Raynolds and hawak na baseball bat sa kasama. “I think this is the murder weapon. May marka pa ng dugo sa dulo. Pero parang imposible na mapatay niya ang babae kung mas malakas ito sa kanya.” Muli namang sinuri ni Detective Portman ang katawan ng biktima ng may mapansin ito na marka sa mga daliri nito. “These are defense mark. May trace ng self-defense,” wika nito habang sinusuring mabuti ang katawan ng biktima. Tatanungin sana ni Detective Portman ang matanda ng mapansin niya na nakatingin ito sa labas ng pintuan. At dahil hindi nito inaalis ang tingin sa pintuan ay kaagad na tumakbo papalabas ang Detective ng muli niyang mapansin na tila ba may tumakbo papalayo. Dahil may iilang residente na nakaabang malapit sa bahay ng matanda ay hindi na niya nakita ang mukha ng tumakbo. “Ano bang nangyari dito?” “Narinig ko na may bangkay daw. Sino kaya ‘yon?” “Grabe naman. Kaya pala mabaho sa tuwing nadadaan akao rito.” Bulungan ng mga ito. “May nakita ba kayo na nakikisilip din kanina pero biglang tumakbo papalayo?” tanong niya sa mga residente. “Sino ‘yon, hindi ko napansin. Ikaw ba, napansin mo?” “Ah, ‘yong anak ‘yon ni Manang. Tumakbo papalayo, natakot ata.” Matapos makakalap ng impormasyon ay lumayo si Detective Portman sa mga sibilyan saka kinontak ang ibang kasamahan. “Detective Portman, speaking. Someone was sneaking around the scene then fled. Hahabulin namin. P’wede niyo bang i-check ang details sa anak ni Lilia Casas? Ayon sa mga residente ay anak niya ‘yong tumakbo papalayo.” “Noted on that, team leader. Give us some minutes,” sagot ni Detective Ventura saka nagsimulang maghanap ng impormasyon. “Thanks!” saka mabilis na tumakbo papalabas si Detective Portman para habulin ang lalaki. Nang marinig ang usapan ay sumunod naman si Detective Raynolds sa kanyang team leader. “Kayo na bahala rito. Dalhin sila sa presinto,” bilin niya pa sa dalawang pulis saka tuluyang tumakbo papalayo. Nang kunin ng mga pulis si Basilio ay hindi na ito pumalag dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mukha ng biktima, lalo na at nasa harapan niya pa rin ang bangkay nito. Habang ang matanda naman ay hindi na rin lumaban pa at nagpatianod na lang sa pulis habang umiiyak. Kasalukuyan namang tumatakbo papalayo ang anak ni Lilia Casas habang tumatawa at kinukumpas-kumpas pa ang kanyang dalawang kamay. Ang hindi niya alam ay natanaw siya ni Detective Portman at kasalukuyang hinahabol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD