‘In this world, who knows who might kill who.’ – Shinichi Kudo (Detective Conan) -Third Person’s POV- “I now see you. I didn’t know that you’re hiding here… Patricia, anak.” Nang marinig ang boses ng kanyang ina ay mas mabilis na napatakip ng bibig ang dalaga upang hindi ito makagawa ng kahit anong ingay. Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa kanyang cellphone at pigil hiningang naghihintay ng susunod nitong sasabihin. Dahan-dahan namang naglakad ang ina ni Patricia patungo sa pintuan ng closet. Kahit na marahan ang paglalakad nito ay rinig na rinig naman ni Patricia ang mga yabag nito na nagpadagdag pa sa takot na kanyang nararamdaman. Maski ang mga pulis na nakikinig sa susunod na pangyayari ay tahimik din na nakikinig, ni isa sa kanila ay walang nagtangkang magsalita o gumawa ng ka

