V1 - Chapter 48

2237 Words
‘When it happens once, it’s a coincidence. The second time, it means it is inevitable. When repeated, it, means it was intentional.’ -Third Person’s POV- “Tell us the truth. Sabihin mo sa amin kung ano ang nangyari ng araw na ‘yon. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo pati na rin kay Erman,” pangungumbinsi ni Detective Angeles sa matanda. “K-kapag… kapag nagsalita ba ako, maipapangako mo ba… maipapangako niyo baa ng kaligtasan namin ng anak ko?” Tumango naman si Detective Angeles bilang tugon sa matanda. Kaagad namang inihanda ni Detective Raynolds ang kanyang sarili sa pagtitipa sa kanyang laptop ng magsalita na ang matanda. “Natakot ako…” panimula nito. Ilang beses pa muna siyang huminga ng malalim bago muling nagpatuloy. “Sobrang natakot ako sa lalaki na ‘yon. Si Diana… ‘yong bata na ‘yon, napakabait at napakagalang. Kahit na minsan ay tinatarayan ko siya dahil sa anak ko, hindi pa rin nabago ang pakikitungo niya rito. Kaya naman halos lahat ng tenant ay kilala siya.” -Flashback- “Erman! Ano ba ‘yang ginagawa mo? Itigil mo nga ‘yan, ibibili na lang kita ng pagkain,” saway ni Diana sa binata ng makita itong kumakalkal ng pagkain sa basurahan. “D-diana…” “Don’t worry, I’ll buy you some food. Here,” at inabutan niya ito ng panyo at alcohol. “Magpunas ka muna tapos kakain tayo.” At simula no’n ay nagkagusto na si Erman sa dalaga, ngunit lingid sa kaalaman niya na may nobyo na ito at malapit nang ikasal. “Sa susunod kapag nagugutom ka pumunta ka na lang sa unit ko, okay? May mga pagkain pa ako ro’n ibibigay ko na lang sa’yo.” “Talaga?” masayang wika naman ni Erman. Madalas kasi ay wala sa kanilang bahay ang kanyang nanay dahil busy ito sa pagsusugal dahilan upang makalimutan na lutuan o iwanan siya ng pagkain. Lumipas ang ilang buwan at mas naging malapit ang dalawa sa isa’t isa hanggang sa ipakilala ni Diana ang kanyang nobyo kay Erman. Hindi naman nagselos ang nobyo ng dalaga dahil alam nito na natural na sa kanyang nobya ang pagiging matulungin. At sa paglipas ng mga araw ay naging malapit din ang loob ni Erman sa lalaki kaya naman itinuring niyang parang magulang ang dalawa dahil ito ang madalas niyang kasama at nagaasikaso siya kanya dahil laging nasa sugalan ang kanyang ina. Gano’n din naman ang mag-nobyo dahil itinuring na nilang parang anak si Erman kahit na kasing edad lang din nila ito. Hanggang sa isang araw, pauwi na no’n si Lilia galing sa sugalan ng makita ang kanyang anak sa labas ng kanilang bahay na may mga dugo ang dalawang kamay. Nanginginig ito habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Diana. Kaagad na lumapit si Lilia sa anak upang tignan ang kalagayan nito. “Erman, anong ginawa mo? Bakit may mga dugo ka? Anong nangyari?” natatarantang tanong nito sa anak. “M-mama. Mama. Mama. Anong gagawin Erman? Mama. Lagot ako. Lagot erman,” paulit-ulit na wika nito ng makita ang ina. Dahil sa pagkataranta ay hindi na rin alam ni Lilia ang gagawin. “Anong nangyari? Sabihin mo sa akin, bakit may dugo ang kamay mo. Magsalita ka.” “Mama, tara,” at dahil hindi na alam ang gagawin sumunod na lang si Lilia sa anak ng hatakin siya nito papasok sa kanilang bahay. At dahil may sakit ang kanyang anak, madalas na mapag-tripan ito ng mga tambay. Hindi man makapag-isip ng maayos ay malakas at malaking tao si Erman kaya naman ginagamit siya ng ibang tao para gumawa ng masamang bagay. Pagpasok sa loob ng bahay ay bumungad sa harapan nila ang wala nang buhay na katawan ni Diana na nakahiga sa sahig habang may isang lalaki naman ang nakaupo sa upuan. “E-erman, anong nangyari rito. S-sino ‘yan.” “Si Diana… sabi niya kasi ayaw niya k-kaya… kaya…” paputol-putol na wika nito. “Paano mo nagawang. Bakit? Bakit?” at tuluyan nang humagulgol ang matanda habang pinapalo sa braso ang anak. “H-hindi ako.. s-siya… siya nagpalo kay Diana, t-tapos dami dugo,” sagot naman ni Erman sabay turo sa lalaking prenteng nakaupo sa silya. Agad naman na napatingin ang dalawa sa lalaki ng bigla itong tumayo at lumapit sa kanila. Mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan nito kay Erman kaya naman hindi nakapalag ang matanda ng kwelyuhan siya ng lalaki. “Granny, ikaw pala ang may-ari ng bahay na ‘to—“ “Bitiwan mo mama ko!” sigaw ni Erman sa lalaki sabay hawak sa braso ng kanyang nanay. “Manahimik ka! Kapag hindi ka nanahimik magiging kagaya ni Diana ang matandang ‘to. You want that?” umiling-iling naman si Erman dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang ina. “Good.” Wala halos lahat ng tenant sa apartment ng gabing ‘yon dahil ang iba ay nasa trabaho habang ang iba naman ay nasa Plaza dahil Fiesta sa kanilang bayan. Habang ang nobyo naman ni Diana ay nasa ibang bansa dahil sa negosyo. “Tanda! Gusto ko na itabi mo ang bangkay ni Diana. Siguraduhin mo na walang makakakita at walang makakaalam, dahil kung hindi, kayo ng anak mo ang sunod na babawian ng buhay. Naintindihan mo ba?” banta sa kanila ng lalaki. “Hindi! Hindi ko gagawin ‘yon! Isusumbong ka namin sa pulis. Mamamatay tayo!” sigaw ni Lilia sa lalaki ngunit sinampal siya nito kaya naman napasubsob siya sa sahig. Lalabanan sana ni Erman ang lalaki ng bigla itong maglabas ng baril at itinutok ‘yon sa kanila. “Gusto niyo ba na ibaon ko ang bala nito sa mga ulo niyo? Kahit na matagpuan kayong walang buhay ay hindi pa rin ako makukulong. P’wede kong palabasin na kayong mag-ina ang pumatay kay Diana at pagkatapos ay pinatay niyo ang sarili dahil sa guilt. Kaya ko ring bayaran ang mga pulis upang hindi na ungkatin pa ang kaso.” Hindi naman nakaimik ang matanda dahil alam niya na kaya itong gawin ng lalaki, isa pa ay natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya at sa kanyang anak. Nang makita pa lang ang lalaki ay alam na niyang wala silang laban dito dahil galing ito sa mayamang pamilya. Kilala ang pamilya nito sa buong San Bernin pati na rin sa mga karatig lugar. Walang nagawa ang matanda kaya naman napilitan silang gawin ang gusto nito. Pinagbantaan din nito ang kanilang buhay kaya naman tanging pagtatago sa katotohanan ang kanyang magagawa upang manatiling tahimik ang kanilang buhay. At simula rin no’n ay nangolekta na siya ng basura upang maitago ang amoy ng bangkay. Ilang araw ang lumipas mula ng mangyari ang insidente at pumasok sa isip ni Lilia na sabihin sa mga pulis ang nangyari. Pero sa tuwing lalabas siya ng kanilang bahay ay laging may naka-itim na suit na lalaki ang nag-mamanman sa kanila. May ilang beses pa na bumibisita mismo sa kanilang bahay ang lalaki upang masigurado na hindi nagsasalita ang mag-ina at isina-sakto nito na wala masyadong tao sa apartment upang walang makakita sa kanya. -End of flashback- “Kung gano’n ay kilala mo ang lalaki? Sino ‘to? Anong pangalan?” sunod-sunod na tanong ni Detective Angeles. Dahil nag-aalangan ang matanda sa pagsagot ay muli nang nagsalita ang detective upang kumbinsihin ito na pro-protektahan nila ang mag-ina. “Mrs. Casas, I assure you, walang mangyayaring masama sa inyo ng anak mo. Pero isa lang ang masasabi ko, hangga’t hindi nahuhuli ang totoong pumatay kay Diana Rivera ay patuloy na malalagay sa panganib ang buhay niyong mag-ina.” Muli ay humingang malalim ang matanda saka nagsalita. “S-si… si Jerome Montelle. Naging boss siya ni Diana no’ng nagta-trabaho pa ito sa kanya.” “Jerome Montelle? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” “Oo,” diretsang sagot ng matanda. “Sigurado ako. Hindi man halata, pero naging malapit na rin ang loob ko kay Diana. Dati ay madalas siyang pumupunta sa bahay para bisitahin ang anak ko at nakikipag-kwentuhan siya sa akin para lang hindi ako umalis ng bahay at hindi magsugal. At nabanggit niya sa akin ang boss niya na laging nagte-text sa kanya.” “And that is Jerome Montelle?” tanong muli ng detective. Tumango naman ang matanda bilang sagot. “May iba pa bang nabanggit si Diana tungkol kay Jerome Montelle?” “Wala na akong maalala.” “Subukan mo lang Mrs. Casas, kahit maliit na detalye makakatulong na ‘yan.” “Naalala ko na. Sabi niya ay pinilit siyang makipagtalik ng lalaki kaya naman nagpasya siya na mag-resign at maging guro na lang. Pero ilang linggo matapos niyang lumipat ng trabaho ay muling nagparamdam ang lalaki. Minsan pa nga ay may nagpapadala ng bulaklak dito na nakapangalan kay Diana.” Natigil lang ang kanilang usapan ng biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Detective Ventura. Lumapit siya sa dalawang kasamahan at may ibinulong rito saka muling lumabas. “Thank you for the cooperation Mrs. Casas. Hayaan mo, hindi matatapos ang araw na ‘to hangga’t hindi namin nahuhuli ang tunay na may sala,” huling wika ni Detective Angeles at saka sila lumabas ng kwarto. Pagkalabas ay ibinilin nila sa pulis ang matanda saka nagtungo sa kanilang opisina. Pagdating sa loob ay naabutan nila ang tatlong kasamahan na abala sa pagaayos ng mga papel. “Nasaan si team leader?” tanong ni Detective Raynolds ng mapansin na kulang sila ng isa. “Nagpaalam kanina, may pupuntahan daw siya saglit at babalik din kaagad,” sagot naman sa kanya ni Detective Roxas. “Siya nga pala, nakakuha na kami ng arrest warrant at nalaman namin na nasa opisina niya si Jerome Montelle sa Dougher Mall ngayon,” imporma ni Detective Villares sa dalawa. Nang kausapin kasi nila kanina si Erman ay paulit-ulit na ‘hindi ko alam’ ang sinasabi nito kaya hinayaan na lang nila muna at pinanood ang daloy ng imbestigasyon kay Lilia Casas. At hindi naman sila nabigo dahil habang nakikinig sa usapan ay inilista nila ang mga impormasyon na sinabi nito. Habang si Detective Ventura naman ay abala sa panood ng CCTV footage na kuha sa apartment.  Hanggang sa magbigay ng pangalan si Lilia, sakto naman na nakuhanan ang lalaki na papalabas ng apartment ng dis-oras ng gabi. Nakita rin nila sa autopsy result na bukod sa dugo ni Erman Casas ay may isa pang unidentified blood na nakuhanan. At sa fingerprint test naman sa baseball bat, walang lumabas na kahit isang fingerprint ni Erman, bagkus ay fingerprint ng ibang tao ang nakuhanan. Ang mga kalmot sa braso ni Erman ay nakuha lamang niya ng hindi sinasadyang makalmot siya ng biktima ng pilit silang pinaglalayo ng suspek. “Nakuhanan sa CCTV footage si Jerome Montelle na may kasamang dalawang lalaki at ito ‘yong resulta ng autopsy at fingerprint test,” Detective Roxas said at saka inabot sa dalawang kasamahan ang papel. Binasa naman nila itong mabuti at saka ibinaba sa mesa. “Ano pang hinihintay natin? May arrest warrant na, ebidensya at witness. Halika na at hulihin ang may sala,” masiglang wika ni Detective Raynolds. “Paano si team leader?” tanong naman ni Detective Villares. “Tatawagan ko na lang siya para ipaalam ang lakad natin. Hindi na tayo p’wede pang magsayang ng oras dahil posible na makatunog ang suspek at makatakas. At bago pa mangyari ‘yon ay kailangan na nating kumilos,” sagot sa kanya ni Detective Ventura. “Okay, Detective Roxas, ikaw na muna ang mag-lead,” wika ni Detective Raynolds dahil ito na rin ang pinaka-matagal na detective sa kanilang lahat. “Habang maiiwan namin dito sina Detective Angeles at Detective Ventura.” “Tama, kaya halika na. Hulihin ang dapat hulihin,” pagsang-ayon ni Detective Villares sa sinabi ni Detective Raynolds. Matapos magkasundo sa gagawin ay wala na silang sinayang pa na oras at ginawa na ang mga dapat gawin. Dumiretso sina Detective Angeles at Detective Ventura sa harap ng kanilang mga computer para i-assist ang mga kasamahan habang dumiretso na sa parking ang tatlo para puntahan ang suspek. Pagka-upo ay kaagad na tinawagan ni Detective Ventura ang kanilang team leader upang i-update ito sa progress ng kaso. Ngunit ilang beses na niya itong tinatawagan ay hindi pa rin sumasagot kaya nagpasya siya na i-text na lamang ito. “Hindi sumasagot? Baka busy pa,” kumento ni Detective Angeles ng mapansin na paulit-ulit tumawag ang kasama. Tumango na lamang si Detective Ventura at nag-send na ng message. Pagkatapos mag-text ay bumalik na siya sa kanyang gawain at naghanap ng mga impormasyon na magagamit nila laban sa suspek. Sa kabilang banda, mabilis na pinaandar ni Detective Raynolds ang sasakyan upang makarating kaagad sila sa opisina ng suspek. Matapos ang halos kalahating oras ay nakarating din sila at naabutan nila si Jerome Montelle na papaalis pa lang. Nang makita ito ay wala na silang sinayang pa na oras at kaagad na kinausap. Matapos maipakita ang arrest warrant at masabi ang dahilan kung bakit ito hinuhuli ay isinakay na nila ito sa sasakyan kaya hindi na nakaangal pa at kaagad na dinala sa presinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD