V1 - Chapter 5

2705 Words
‘Many investigators feel uneasy stating in public that the origin of life is a mystery, even though behind closed doors they admit they are baffled.’ – Paul Davies -Donovan’s POV-  “Grabe, sir! Ang galing niyo kanina. Parang pinaghandaan niyo talaga ‘yong seminar,” bati sa akin ni Detective Angeles. “Oo nga, team leader, idol na kita,” dagdag naman ni Detective Raynolds. Kanina ko pa napapansin na ang hyper niya masyado, hindi ba ‘to napapagod ngumiti? “By the way, gusto ko sanang malaman kung anong mga kaso ang inaasikaso niyo ngayon,” singit ko sa kanila. Mukhang tama nga ang hinala ko na hindi ganun karami ang kaso na hinahawakan dito. Sasagot na sana si Detective Villares pero naputol ang sasabihin niya ng biglang may dumating na police officer. “Detective Portman?” agad naman akong napatingin sa kanya ng tawagin niya ang pangalan ko. “Yes, police officer?” tumayo naman ako at lumapit sa kanya. “Pinapatawag po kayo ni Colonel sa office niya,” “Okay, aakyat na ako,” I said at nagpaalam sa kanila para pumunta sa opisina ni colonel. “Ayan na, sir. Unang araw pa lang may award na kaagad,” pahabol na pang-aasar ni Detective Angeles na nginitian ko lang. Agad akong umakyat at dumiretso kung saan makikita ang opisina ni Colonel Martinez. Kumatok muna ako bago pumasok. “Sir, pinatawag niyo raw po ako,” sabi ko pagkapasok ko. “Detective Portman, you can sit here,” sabay turo sa upuan na nasa harapan niya. “I want to congratulate you on your talk earlier, napakagaling mo palang magsalita. Tama ang desisyon ko na ikaw ang pinili ko. Good job!” Napangiti naman ako sa mga sinabi niya, “Thank you, sir.” “Well, the reason why I called you is because of this,” he said at inabot naman niya ang blue folder na nakapatong sa mesa. “I want you and your team to work on this case.” Agad ko namang sinuri ang details ng kaso na binigay niya. It’s a medical malpractice and the victim died three years ago, pero bakit ngayon lang ‘to inasikaso? “A medical malpractice?” hindi ko napansin na naisatinig ko na pala ang iniisip ko. “Yes, as you can see, successful ang operation ng biktima pero namatay siya dahil sa maling gamot na naiturok sa kanya.” Tumango-tango na lang ako sa mga paliwanag niya. Wala man siyang sinasabi pero napapansin ko na it’s a special case. I checked the name of the accused and it seems familiar. Theodore Williams. Parang narinig ko na kung saan pero hindi ko maalala kung saan o kanino ko narinig. “Okay, sir, we’ll take this case,” I said as soon as I finished reading the report. Aalis na sana ako ng bigla pang magsalita si colonel. “Portman, since this would be your first case here in San Bernin, I want you take a special care with this case,” agad naman akong napatingin sa kanya. “The accused is the son of Mikael Williams, the owner of Winsley Medical Hospital and Winsley Shopping Mall.” “Yes, sir,” I said and leave the room. Now I know where I heard that name. Theodore Williams and Mikael Williams. Agad akong dumiretso sa office para i-check ‘yong report na nakuha ko. Pagbalik ko ay naabutan ko sila na busy sa pagtanggap ng report mula sa mga residente. “Team, I want to research this case,” at pinakita ko sa kanila ‘yung report na nakuha ko. “Then, we’ll have our meeting later para pag-usapan ‘yong case.” I said at dumiretso na sa pwesto ko. “Okay, team leader,” sabay-sabay na sagot nila. Mabilis kong binuksan ang computer na nasa harapan ko. Theodore and Mikael Williams seems interesting. I remembered them now. Nabanggit sila ni Brent nung nagkita kami kahapon, sila rin ‘yong kasama ni papa sa picture. As I browse through the report, I notice that this Theodore man was reported of medical practice before, but not just one. He was reported four times, and this would be the fifth one. Hindi ako gano’n ka-familiar sa ibang medical term, but what I know is medical malpractice occurs when a doctor or other health care professional deviates from the standards in their profession, thereby causing injury to a patient. And this negligence might be the result of errors in diagnosis, treatment and aftercare or health management. Kaya pala hindi rin nakukulong ‘tong si Theodore dahil sa batas. In a medical malpractice lawsuit, the law places the burden to the patient, to prove that the medical practitioner deviated from the standard of care and caused harm. Pero hindi ba dapat na sa medical expert sila lalapit at hindi sa pulis? But proving a medical malpractice is a difficult one. And once that it has been determined that care fell below from applicable standard, the patient or victim is now required to prove within a reasonable degree of medical certainty that the below standard care inflicted and become the factual cause of harm suffered by the patient. Sa kaso na ‘to, ang kamalian lang ay mali ang naibigay na gamot sa cancer patient. Doctors and nurses can be liable for prescribing and or administering the wrong medication. They can simple make a mistake about what medication should be prescribed or what dosage to prescribe. However, the patient died due to the wrong medication. Kaya naman kailangan naming mag-imbestiga. Maaaring nagkamali lang talaga ng prescribe na gamot. Pero sa ibang bahagi ng utak ko, parang may nagsasabi na there’s more than that. Na may iba pang dahilan. Well, there might be a miscommunication somewhere along the line between prescription and administration of the medication. Naaawa ako para sa pamilya ng biktima, naka-survive nga ‘yong pasyente sa operasyon, namatay naman dahil sa maling medikasyon. The hospital is generally not liable for the negligence of the doctor or nurse who prescribe the medication, but the side effect is that, the hospital might loss profit and patients. Lalo na kapag kumalat sa media ang ganitong insidente. Now I’m curious and wanna know more about this case. Posibleng magkamali ang isang tao, pero kung paulit-ulit ‘yong mali na nagawa niya. Ibang usapan na ‘yon. “Meeting will start in a few minutes,” I said as I continue reading the report, “Detective Raynolds, do a background check and give me a copy of profile of Theodore Williams.” “Noted, sir,” he replied at bumalik na sa ginagawa. “Detective Ventura, look for the information of the victim and complaint,” “Will do, sir,” and he start doing the task. “Then the rest, find some similar cases with this one, after that we’ll start the meeting,” I instructed them and leave my post. Nauna na akong pumasok sa meeting room para ayusin ang mga files na nahanap ko kanina. I think this will be interesting. I do have many question in my mind, and I hope that these questions would be answered along the way. My gut feeling tells me that there’s something more that I need to find out. ----- “Let’s start the meeting,” I said as soon as they entered the meeting room. After all the researches and gathering of data and evidences, we started the meeting as Detective Angeles explaining and presenting the case. “Ronald Buenaventura. Admitted on November 27, 2020 for lymphocytic leukemia. On January 15, 2021, he was changed to maintenance therapy and discharged,” he stopped and flashed the images of medical records of the patient on the screen. “There’s no record of him being admitted again, but there is Ronald Buenaventura’s name on the list of deceased. The cause of death is meningitis. He was prescribed two chemotherapy drugs for his treatment.” I interrupted him and asked a question. “What are they?” “The chemotherapy drugs, vincristine and cytarabine.” Vincristine is a chemotherapy medication used to treat different types of cancer, while cytarabine, is used to treat different kinds of leukemia and non-Hodgkin’s lymphoma. “How they are administered?” I asked for the second time. “Vincristine is injected intravenously or infusion below the collarbone. Cytarabine, is given by injection intrathecally into a vein under the skin or into cerebrospinal fluid.” “Pwede mo bang ipaliwanag kung paano matutukoy o malalaman kung alin ang vincristine at cytarabine?” tanong naman ni Detective Roxas. “Base ba sa amoy? Sa kulay?” dagdag na tanong ko. “Wala masyadong pinagkaiba ang dalawa,” at pinakita niya ang itsura ng dalawang gamot. “Parehas din silang odorless at colorless kaya naman madalas na mapagpalit ang dalawa.” “Let’s move to the next agenda. Detective Ventura, take the floor,” I said at agad naman siyang tumayo papunta sa harapan. “Dr. Theodore Williams, department head ng Cancer Care Center ng Winsley Medical Hospital,” he said at saka naman nag-flash ang picture ni Dr. Williams sa screen. “Base sa nabasa ko, apat na beses na siyang nakasuhan regarding medical malpractice. ‘Yong dalawa ay nauwi sa table death at ang dalawa naman ay wrong medication,” I said. Nabasa ko sa report na sila rin ang nag-handle ng unang dalawang kaso ni Williams kaya paniguradong alam na alam na nila ang gagawin sa kaso. “Yes, team leader. Apat na beses na siyang na-report pero hindi napapatunayan ng pamilya ng biktima ang akusasyon kaya naman hindi rin natutuloy ang kaso,” sagot naman ni Detective Raynolds. “’Yong unang dalawa ang nagpatuloy sa kaso pero kulang sa ebidensya kaya naman annulled ang kinalabasan ng kaso,” Detective Villares said habang binabasa ang file report na hawak niya. “’Yong ikatlo at ikaapat naman ay hindi na tumuloy sa korte dahil parehas nagkasundo ang dalawang panig na compensation na lang ang ibibigay ng ospital sa pamilya ng biktima.” “Okay, that’s all for today. Let’s summon Theodore Williams tomorrow for interrogation. As of now, let’s visit the hospital and interrogate the family of the victim,” I said habang inaayos ang mga file report na nasa harapan ko. “Detective Villares and Detective Roxas, visit the hospital and ask for the medical records of the victim. Kunin niyo na rin ang CCTV footage ng mga araw na na-confine sa ospital ang biktima.” “Yes, sir,” sagot nilang parehas at nauna nang lumabas para simulant ang task na binigay ko. “As for Detective Angeles and Detective Ventura, search for more similar cases of medical malpractice and review the case of these first four victims.” I said at binigay sa kanila ‘yong file nang naunang apat na biktima. “Noted, sir,” they replied at nagpatuloy na rin sa ginagawa. “And you,’ sabay turo ko kay Det. Raynolds. “Yes, sir?” “Come with me, we’ll interview the victim’s family,” hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nauna nang lumabas. Dumiretso kami sa sasakyan ko at agad na pumunta sa bahay ng biktima. Ang nag-file ng kaso ay ang asawa ni Ronald, si Stephanie Buenaventura. “Team leader, wala bang bilin sa’yo si Colonel tungkol sa kaso na ‘to?” bilin? Ah, naalala ko na. Special care with this case, tss. Dahil ba mayaman at makapangyarihan ang akusado? “Wala naman, bakit mo natanong?” “Ah, wala, sir. Kalimutan niyo na lang ang sinabi ko,” hindi na siya muling nagsalita pa kaya nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho. Pagkarating sa bahay ng biktima ay agad kaming dumiretso sa gate. Agad naman na kumatok si Detective Raynolds at isang batang babae ang nagbukas ng gate sa amin. “Magandang hapon, rito ba nakatira si Stephanie Buenaventura?” tanong niya sa bata habang pinagmamasdan ko ang buong bahay. Hindi siya ganun kalakihan pero sakto lang para sa pamilya na may tatlong anak. Nabasa ko rin sa personal information ng biktima na contractor ang kanyang trabaho kaya naman mukhang nasa middle class ang kanyang pamilya. “Opo rito po, sandali lang po tawagin ko si mama,” pumasok naman ‘yong bata para tawagin ang mama niya. “Sino po sila?” isang matandang babae naman ang lumabas na mukhang nasa edad 40 pataas. Pinakita ko sa kanya ang ID ko bago nagpakilala, “I’m Detective Donovan Portman of Violent Crime Unit 1.” “Magandang hapon sa inyo, Detective. Pasok po kayo,” at pinagbuksan naman niya kami ng gate para makapasok. Tumuloy kami sa may sala at doon niya kami pinaupo. “Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, nandito po kami tungkol sa kaso ng asawa niyo na si Ronald Buenaventura,” panimula ko. Bigla namang nagbago ang timpla ng itsura niya, marahil ay hindi niya tanggap ang pagkamatay ng asawa. Nakaligtas nga ang asawa niya sa cancer, pero namatay din naman dahil sa maling pagbibigay ng medikasyon. “Bea, kumuha ka ng maiinom,” utos niya sa anak at saka naupo sa upuan na nasa harapan namin. “Kumusta naman po ang kaso detective?” “Kaya kami pumunta rito ay para tanungin kayo tungkol sa kaso,” sagot ni Detective Raynolds. “Saan mo nalaman ang tungkol sa maling medikasyon na nabigay sa asawa mo?” “Noong una akala talaga namin na namatay ang asawa ko dahil sa meningitis,” panimula niya, “Pero mayroong nagpakilala na doctor at sabi niya ay nagta-trabaho siya sa Winsley Medical Hospital.” “Sino? Anong pangalan no’ng doctor?” tanong ko pero umiling lang siya. “Hindi siya nagpakilala, hindi ko rin alam ang itsura niya. Nag-text lang din siya sa akin at tungkol naman sa medical records na pinasa ko sa mga pulis ay pinadala niya lang din and mga ‘yon dito sa bahay.” “Pwede ba naming makita ‘yong text message?” tanong ni Detective Raynolds. Binigay naman ni Stephanie ‘yong cellphone niya kaya mabilis na sinulat ni Detective Raynolds ‘yong number at binasa ang text. “Regarding sa package na pinadala sa inyo no’ng sinasabi mo na doctor, may nakalagay ba na pangalan o address ng nagpadala?” tanong ko naman. “Walang nakalagay, pero hindi ko pa natatapon ‘yong sobre na pinaglagyan ng papeles. Sandali at kukunin ko.” Agad naman siyang tumayo para kunin ‘yong envelope kaya naming kaming dalawa ni Detective Raynolds sa sala. “Team leader, tingin mo ba may whistle blower sa loob ng Winsley Medical Hospital?” bulong ni Detective Raynolds na mukhang ayaw iparinig sa iba ang sinasabi niya. “’Yan din ang tingin ko. Hindi naman malalaman ng pamilya ng biktima ang tungkol sa nangyari kung walang magsasabi,” paniguradong nasa loob ng Winsley Medical Hospital ang susi ng kasong ‘to. “Ito na ‘yong envelope, detective,” at inabot naman sa akin ni Stephanie ‘yong envelope. Wala namang kakaiba sa pinaglayan at kagaya ng sinabi niya kanina, wala ngang nakalagay na pangalan o address man lang ng sender. “Tatawagan na lang po namin kayo kapag may dagdag na tanong kami ukol sa kaso,” paliwanag ni Detective Raynolds. “Kami na ang bahalang maghanap sa doctor na sinasabi mo. Mauna na kami ma’am, maraming salamat sa kooperasyon,” paalam ko at naglakad na kami palabas. “Maraming salamat din po sa inyo. Sana mabigyan niyo ng hustisya ang pagkamatay ng asawa ko,” paalam naman ni Stephanie. Tumango at ngumiti na lang ako saka sumakay sa sasakyan. “Ako na magmamaneho, Sir,” alok ni Detective Raynolds kaya naman binigay ko na sa kanya ang susi at pumasok sa passenger seat. “Babalik tayo sa opisina,” sabi ko at nagsimula na siyang magmaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD