‘Every living creature becomes desperate when it instinctively knows that it'll die.’ -Donovan’s POV- “I just took a nap for an hour and had a dream about that jerk.” “What’s going on here?” “Dito rin natulog si team leader? Did he slept here like this?” “Team leader, gising na.” Naalimpungatan ako dahil sa paulit-ulit na katok na naririnig ko. Bwiset naman! Sino ba ‘tong sumira ng tulog ko? Dahan-dahan akong dumilat dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata ko. Nakita kong may nakatayo sa harapan ko pero hindi ko makilala kung sino dahil kalahati pa lang ng mata ko ang nakadilat. Sino ba ‘tong tao na ‘to at paano siya nakapasok sa kwarto ko? “Team leader, umaga na,” muling wika ng lalaki at tumigil na sa pagkatok. Kahit na inaantok pa ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko at t

