‘Words are like swords. If you use them the wrong way, they can turn into ugly weapons.’ – Shinichi Kudo (Detective Conan) -Third Person’s POV- Patuloy sa pagtakbo ang grupo ni Detective Portman upang malaman ang kinaroroonan ng biktima. Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin nila ito nakikita. Habang sina Detective Ventura naman ay patuloy din sa pag-track ng lokasyon ng biktima. Dahil nasunog ang buong barangay kama-kailan lang, nahihirapan silang alamin ang eksaktong lokasyon ng biktima. Wala ring CCTV sa lugar na ‘yon kaya naman tanging pag-asa nila na mahanap ang biktima ay ang dispatch team. Hanggang ngayon naman ay kausap pa rin ni Detective Angeles ang biktima. At dahil kanina pa umiiyak ang biktima ay pinakausap nila ito sa babaeng police officer. Ngunit nanatili

